Chapter 6: His Room

1.1K 70 11
                                    

Gray Alexie

Ipinagtaka ko nang makitang tinatahak ni kuya ang daan patungo sa naturang bahay. I don't even know if we're allowed to step on those beautiful stairs.

"Anong gagawin natin sa bahay na iyan? Baka mapagalitan pa tayo ng guwardiya dahil sa ginagawa mong 'yan," usal ko kahit nanghihina na ako sa lagay na iyon.

"It's our privilege for being the top students in this school," simpleng sabi niya na parang wala lang iyon sa kaniya.

I remember what a freshman told me then, when I was eating in the cafeteria.

That five gorgeous, gangster looking men? They had greater authority in this campus...

May gano'n pala sa school na 'to? Ano pa ang silbi ng dorm nila? Ang ganda pala kung tratohin ng paaralan na 'to ang matatalinong katulad nila. I also wondered if they brought their women here?

Nakita kong inilagay ni kuya ang kaniyang hinlalaki sa maliit na bagay sa pintuan. Doon ay agad na bumukas ang pintuan.

"Hey Bro, you done the..." nabitin sa ere ang mga salita ni Kyle nang makita kami. He looked stunned. Nakasuot siya ng leather jacket at pares ng combat boots, tila may pupuntahan. Lumipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni kuya. Matagal bago siya nakabawi. "What happened to her?" mahinang tanong niya at gumilid para makapasok si kuya.

"Nasundan kami," seryusong sabi ni kuya.

"What? I mean, why was she with you?" kunot ang noo ni Kyle habang nanghihingi ng sagot, ngunit hindi na iyon na sagot ni kuya nang kumaripas na ng takbo si Kyle patungo sa taas ng bahay.

Dahan-dahan akong inilapag ni kuya sa isang mahabang sofa. "I'll get a kit," sabi niya at umalis ng salas.

Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita.

My eyes swerved every corner of the living room. The gray sofas, gold centre table, carpeted marble floor, crystal chandelier, to the floor to ceiling bookshelves filled with different kinds of books sitting in the corner.

Natuon ang tingin ko sa taas ng bahay nang marinig ko ang maiingay na yabag na nagmumula roon. Nakita ko ang sunod-sunod na pagbaba nila Kyle, Tyler, at Justine sa hagdan. Gaya ni Kyle ay parang may pupuntahan din ang dalawa.

"Nerd?! Anong nangyari diyan sa balikat mo?" gulat na tanong ni Tyler nang tuloyang makababa.

"Were you shot? This must have something to do with them..." mahinang sabi ni Justine, tila kinakausap ang kaniyang sarili.

Wala akong sinagot ni isa sa mga tanong nila. Parang unti-unti akong nanghihina. Ang bigat ng pakiramdam ko at para bang biglang guminaw sa loob ng bahay na iyon.

"What happened here?"

Sinulyapan ko ang may-ari ng boses na iyon.

Nagtama ang mga mata namin ni Dark. Suot ang kaniyang pajamas at specs, bitbit ni Dark ang isang libro habang nakatayo sa huling baitang ng hagdan. Ngayon ko lang siyang nakitang gano'n. I haven't imagine someone would be this hot in their pj's and spectacles. I was so disappointed when he removed his specs.

Hindi ko alam kung saan galing ang mga kamanyakang naiisip ko.

"Samson's men followed me in my way back, buti na lang ay agad ko silang nailigpit," dumating si kuya dala ang isang plastic na kahon.

Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa uri ng salitang ginamit ni kuya. Nailigpit, did he mean by shooting them dead? Ayaw ko nang isipin kung paano iyon nagagawa ng isang estudyante.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon