Chapter 14: Hot As Hell

960 60 5
                                    

"One... Two... Three... Four... Five... Six... Seven... Eight..." Ms. Lopera counted as she kept an eye to everyone's steps, together with Mr. Santiago.

Samantalang ako ay parang tuod habang sinusunod ang mga kumpas ni Miss Kiara at Sir Josh. Tiningnan ko ng masama si Dominik nang makita ang pinipigilan niyang tawa.

"Pfft-"

Hindi nakatakas sa akin ang bungisngis ng isang tao.

Lumagpas ang tingin ko sa likuran ni Dom at tumapat iyon kay Mikhail. Damn him! Alam niyang pinaka-ayaw ko ay ang sumayaw. Hindi ako madaling matuto sa mga pinaka simpleng hakbang. Lumipas ang dalawang oras at tila saulo na agad ng lahat ang mga hakbang sa sayaw na iyon.

Ako ba ang pinagluluko nila? Nag-rehears yata sila ng hindi ko nalalaman. Argh, bakit ayaw naman kasing makisama nitong katawan ko.

I hissed when I trampled over someone's foot. Hindi ko alam na kailangan ko palang humakbang pasulong, hindi umatras.

"Aray!"

"S-Sorry," nahihiyang sabi ko nang marinig ang mahinang reklamo ni Dark.

Yes, it was him. Siya yung taong na sa likuran ko. Napaka malas ko yata sa araw na ito at pinag gigitnaan pa ako ng masasamang damo.

Good God! Kailan pa ba matatapos itong pagpapahirap mo sa akin?

Ngayon nga ay sinasayaw na namin ang buong kanta. Gano'n nila kadaling nasaulo yung mga dance steps. The part came where we have to exchange partners and sadly I was passed over to Mikhail.

Sa gitna ng pagsayaw namin ay biglang nagsalita si Mikhail, "How's the disguise, Valentino? Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka pa nakikilala ng kapatid mo." He'd whispered almost imperceptibly.

Tahimik lamang iyon ngunit abot-abot na ang kaba sa dibdib ko. Napalunok ako at pasimpleng iginala ang aking tingin sa paligid. Thankfully everyone's focused on their dance steps.

Hindi ako nakapagsalita. Sa kaisipang alam niya na may kapatid ako ay hindi ko na ikinagulat.

At tama siya, muntik ko ng makalimutan na wala na akong suot na salamin. Mabuti na lang at na sa malayong bahagi ng court ang posisyon nila kuya. Napansin ko din kanina ang malalagkit na tingin ng mga kaklase ko. Siguro ay nagtataka na sila kung bakit nagagawa ko pang sumayaw at malinaw pa rin yung paningin ko.

Lintik na Dark kasi iyan!

I lifted my gaze back to Mikhail when he scoffed.

Nakakainis ang ngising naka guhit sa mukha niya. Hindi yata nauubusan ng kasiyahan ang taong ito. Hindi ako nagpatalo at nginisihan ko din siya, sinabayan ko siya sa pagsasayaw at nang paikotin niya ako gamit ang kaniyang bisig ay malakas kong inapakan ang paa niya.

"Argh, shit!" he groaned in so much pain that everyone stopped what they were doing and stared at the two of us. Natigil din ang kanta dahil sa aking ginawang iskandalo.

Tinanaw ko si Mikhail na nakatungo na ngayon sa sahig habang hinihimas ang kaniyang paa.

"Oh my God! I'm sorry I stamped on your foot, Mikhail," I faked a pathetic look.

Nag-angat ng tingin si Mikhail at sinamaan ako ng tingin. Lihim akong napangisi. Poor him!

Hindi na siya umapila nang magsalita ang isa sa aming instructors.

"Be careful next time, Ms. Vantress. Everyone, let's continue the practice!" Malakas na anunsyo ni Sir Josh. "Back to your positions, in 1.. 2.. 3.." The music continued.

Masama pa rin ang tingin ni Mikhail sa akin habang tahimik kaming nagsasayawan. He hold my left hand and made me spin and it was the time that I have to go back to Dominik.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon