Nineteenth Dive

216 11 5
                                    

Meriedeth Salazar

"Salazar, bakit ang tagal mo?" nag-aalalang tanong ni Shelanie.

Mabuti nalang at wala ang guro namin sa first subject. Sinabi ko sakanya na matagal ako nagising.

"Himala na late ka, Shark girl," komento ni Rovic na kararating lang. From the looks of it, galing siya sa caferteria, may dala siyang plastic bag na puno ng snacks. "Gusto mo?" alok niya sa isang box ng peperro.

"Pwede na rin," sabay tanggap ko. "Thanks."

"Dude, nagkausap na kayo ni Andrea?" tanong ni Rovic kay Eryx at umupo sa upuan niya.

"Yeah, why?"

"Inaway mo? Nakasalubong ko umiiyak, e," sabay kagat ng sandwich na binili niya.

"Pinagbibintangan mo ba si Eryx, Rovic?" tanong naman ni Shelanie.

"Nagtatanong lang, Shells."

"She's mad at me because of what happened to her sister. Tinanong niya ako kung bakit iniwan ni Kuya ang Ate niya."

Umayos ako ng upo at hinanda ang libro para sa susunod na subject.

"Si Ate Ariana naman ang may kasalanan, diba?" tanong ni Shelanie.

"Hindi niya alam ang ginawa ng kapatid niya. She's blaming Kuya Carson," sagot naman ni Eryx.

"Ano ba talaga nangyari, Dude?" tanong ni Rovic. "May third party ba?"

"Meron, and Ate Ariana is the one who cheated."

Sinulyapan ko sila, nagtama ang tingin namin ni Rovic, ngumisi sila.

"Si Shark girl hindi nakakarelate," natatawa niyang sabi, inirapan ko lamg siya.

"Gusto mo malaman ang kuwento, Salazar?" tanong ni Eryx.

"Nope. I'm not that interested."

Natapos na rin ang klase dumiretso na kaming apat sa club. Nagbihis na ako at nagshower. Naabutan ko sila Shelanie sa labas. Lumalangoy na rin si Rovic, nandito rin ang triplets.

Pumunta ako sa isang lane at sa platform. Huminga ako ng malalim, inayos ko goggles ko at pumuwesto. Nakatitig ako sa tubig. Nagbilang ako hanggang tatlo at tumalon.

Lumangoy ako papunta sa kabilang dulo. Agad akong umikot at lumangoy pabalik, nang mahawakan ko na ang dulo ay natuwa si Shelanie, konti nalang ang kulang para new record ako.

"Astig talaga ni Ate Salazar," komento ni Jezreal.

Umahon ako at umupo sa gilid ng pool, dumating sina Melanie at Wesley, nagtraining na rin sila. Habang nasa gitna kami ng training may dumating.

"Andrea! Mabuti at pumunta ka!" natutuwang sabi ni Melanie at niyakap si Andrea, she's wearing a swimsuit. Dala niya ang swimming cap at goggles niya.

"Ipapakilala kita sa ibang members!"

Tinawag din kami ni Wesley para lumapit doon. Umahon na kami at lumapit sakanila.

"Guys, this is Andrea Gueverro. Classmate nila Kuya Eryx niyo, she is our representative sa backstroke event."

"Wow," mangha na sabi ni Jezreal.

Ipinakilala ni Melanie ang triplets kay Andrea. Hindi umiimik si Jazrill at bumalik ito sa paglangoy.

"Pasensya na kayo sa isang kambal namin," sabi kaagad ni Jazhel.

"Ayos lang," nagtama ang paningin namin ni Andrea, she looked at me from head to toe.

Dive #Wattys2021Where stories live. Discover now