Fortieth Dive

140 6 1
                                    

Meriedeth Salazar

Kakatapos lang ng final exams namin. Next week na ang closing ceremony at graduation. Kung may mga kulang ka na activities dapat maisubmit mo na 'yon next week before the closing ceremony para ma-adjust pa yung grades mo.

Napansin kong inaayos nila Shelanie ang bags nila. May lakad ba silang tatlo?

"Shark girl, ayusin mo na gamit mo. Tara na," sabi ni Rovic.

"Did you forgot about the club meeting tomorrow, Salazar?"

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Eryx. Club meeting? Hala..

"Did you mute the gc?" diretso niyang tanong.

Kinuha ko cellphone ko, nandoon nga ang message na may meeting bukas, which is today. Napasapo ako sa noo ko.

"Tara na," sabi ni Eryx.

Wala naman kaming klase kaya pumunta na kami sa club room. Nandoon na rin ang triplets. Ilang saglit ay dumating sila Wesley.

"Wala na ba kayong mga klase?" tanong niya sa amin.

"Tapos na po exams namin, Kuya Wesley," sagot ni Jezreal.

Nakatingin ako kay Melanie, she's writing the agenda for today's meeting.

Agenda:
•New officers for the club

Iyon lang ang inilagay niya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Okay, so, alam niyo naman na graduating kami, diba?" tanong niya sa amin and we nodded. "We will be leaving this club in your hands," she said at pinupunasan yung gilid ng mata niya.

"Ano ba 'yan, Ate Mel. Hindi pa tayo nakakalahati ng meeting, umiiyak ka na," pang-aasar ni Rovic.

"Tumahimik ka nga! Panira ka ng moment, e!"

Nagtawanan sila dahil sa reaction ni Melanie. Hindi ko rin mapigilan ang ngiti ko.

"So, back to the topic. Sana alagaan niyo ang club na 'to. Sana kapag bibisita kami, nandito parin ang club na 'to," huminga siya ng malalim, her cheeks began to blush and also her nose. "This year is full of ups and downs. Noong simula ng klase, muntik ng madissolve ang club na 'to kasi kulang sa members but the club is still here because of you guys! Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na nandito. Thank you for making my last year of highschool a great memory," and she bowed down.

I gave her an applause. Sumabay din sila Eryx and it made Melanie cry even more. Tumayo si Wesley at pinatahan si Melanie.

"As club president, gusto kong magpapasalamat sa inyo. The club will be dissolve without you guys and I want to say thank you for all of your efforts for the whole school year," sabi niya habang nakangiti.

"We are able to participate at the nationals because of your efforts. We did not able to get first place but that's okay. Bumawi kayo next school year at alam kong kaya niyo 'yan, kahit wala kami ni Melanie sa club."

Huminga ako ng malalim at pumikit. Nakakalungkot but we need to step forward. Sinulyapan ko ang triplets at naiiyak na sila, even Shelanie, Rovic and Eryx are tearing up.

"Hey, wag na kayong mag-iyakan," sabi ni Wesley.

"Mamimiss ka namin, Kuya Wesley, pati si Ate Melanie," sabi ni Jezreal.

"Oh, hali ka nga dito," sabi ni Melanie kay Jezreal.

Tumayo si Jezreal at niyakap si Melanie.

"As club president, gusto kong sa susunod na school year ay makakuha na kayo ng gold medals sa nationals," sabi ni Wesley.

"Magtratraining na ako simula ngayong bakasyon," sabi ni Rovic.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon