Thirty-fifth Dive

169 7 0
                                    

Meriedeth Salazar

"Bullshit," inis kong bulong nang marinig ang sagot ni Kuya.

10th...

Last place...

Nanlalabo ang paningin ko, lumapit si Veronica at niyakap ako, hinahaplos niya ang likuran ko. Doon ko lang napansin na bumabagsak ang luha ko. Kahit anong pigil ko ay tuluyan ng bumagsak.

"Shhh, wag ka ng umiyak, Deth," pagpatahan ni Kuya sa akin, pinupunasan niya ang luha ko.

"Kasalanan ko kung bakit natalo kami," inis kong sabi.

Ang bigat sa dibdib, ang sikip. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mawala ang mabigat na pakiramdam.

"Deth, nobody is blaming you. Okay? Stop it," saway ni Kuya Marcus.

"M-May lagnat ako. K--k-asalanan ko."

"Stop. Hindi ka nila sinisisi. Nobody is blaming you," sabi naman ni Veronica, tiningnan ko siya at umiiyak din.

"Bakit ka umiiyak?"

"Alam mo naman na crybaby 'yan," sabi ni Carrie.

"Tears of joy 'yan, nakita na niya kasi si Kuya Marcus," sabi ni Aileery at natawa kami.

"Tumahimik ka nga, bitch," saway ni Veronica habang namumula ang magkabilang pisngi.

"Ayoko sa mga bata," sabi ni Kuya Marcus.

"Hala, Veronica, bata ka pa daw, sabi ni Kuya Marcus," pang-aasar ni Aileery.

"Heh, hindi ko siya type 'no. Maraming boys na naghabol sa akin. Whatever."

"Mag-aral ka muna, Veronica. Mamaya ka na maghanap ng boyfriend," sabi ni Mama, napalingon ako sakanya.

Katabi niya si Papa sa couch na nandito. Nakangiti sila habang nakatingin sa amin.

"Tita, nag-aaral naman po ako," sabi naman ni Veronica.

"Oh? Nag-absent nga kayo nila Carrie," hirit ni Kuya Marcus.

"Kuya Marcus, we ditched our class to cheer for Meriedeth, duh. Minsan lang kami magcutting, 'no."

Napailing si Kuya Marcus at inirapan lang siya ni Veronica.

"Ayoko pa naman sa mga girls na pabaya sa studies nila," sabi ni Kuya at sinulyapan si Veronica.

"Heh, top student kaya ako," sabi ni Veronica.

"Nica, bata ka nga sa paningin ni Kuya Marcus," natatawa na sabi ni Aileery.

"Parang may naalala ako," sabi ni Kuya.

"Tungkol saan, Kuya?" tanong ko.

"May batang babae kasi nagbigay sa akin ng letter—"

"Hala, familiar!" at tumawa si Aileery, pati si Carrie.

Sinulyapan ko si Veronica na nakatitig kay Kuya Marcus.

"Nakasulat doon—"

"Hindi na 'yon valid dahil hindi na kita type!" pagputol ni Veronica.

"Anong nilagay ni Veronica doon, Kuya? Hindi ko nabasa, e."

"Meriedeth!" saway ni Veronica.

"Marcus Salazar is private property of Veronica Cortez. I will marry Marcus Salazar when I will reach 18 years old."

"Hindi na 'yon valid, sabi!"

Napuno ng tawanan yung silid. Napailing nalang ako, talagang sinulat niya 'yon?

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon