Third Dive

280 14 0
                                    

Meriedeth Salazar

Its been a week since nagsimula ang klase and its been a week that I'm lying to my brother.

He keeps on asking kung may naging kaibigan na ba ako, I told him na meron but hindi ko pa close, kahit wala naman talaga.

Bakit ba kasi nangyayari sa akin 'to?!

Inayos ko ang jacket na suot ko, Friday ngayon. Napakunot ang noo ko dahil sa naabutan ko sa gate. May mga estudyante na nagbibigay ng flyers, may iba naman na nakacostume.

Election of student government? Student council?

"Good morning, if you like anything about science. Please join our club! A club for aspiring scientists! Science belivers!" sabay abot ng estudyante sa akin ng isang flyer. "We will wait for your arrival at our club room this 3pm! See you!" sabay kaway at nagbigay ng flyers sa ibang estudyante papasok ng gate.

What?

Tiningnan ko ang flyer. May printed drawing na scientists at ibang equipment na makikita mo sa isang science laboratory. May time and sate na nakalagay, also the place for the meeting.

Paalis na sana ako ng may nag-abot naman ng flyers sa akin. I just accepted their flyers, and I have no plans of attending a club.

I think around 20 clubs? Or more?! Ang daming flyers na dala ko!

"Hey! Excuse me!" napatingin ako sa nagsalita, may inabot siya na flyer. "If you're interested in ghost hunting, join our club! See you sa club room!"

What the heck?

Habang papasok na ako sa hallway may dalawang babae na humarang sa akin na may dalang baskets.

"Good morning po, Ate," bati nila. "Here's a small token from the cookery club. We cook food, sweets and many more, sana magustuhan mo. Sana sumali ka sa club namin, pumunta ka sa club room namin mamaya!"

Pagdating ko sa classroom, nandoon ang bags ng mga kaklase ko pero konti lang ang mga nandoon. Nakita ko si Eryx na nagbabasa ng libro, sinulyapan niya ako at ibinalik ang pagbabasa.

"Ang dami mong flyers, Miss Salazar," sabi ng katabi ko, yung babae. I forgot her name again.

"Stop calling me 'Miss Salazar', sayo na 'to," sabay bigay ko ng isang pack ng cookies, yung bigay ng cookery club?

"Talaga? Thank you," sabay ngiti habang kinuha ang pack ng cookies. "Anong club ang sasalihan mo?" tanong niya.

"I really have no plans on joining one."

"Its a requirement, Salazar," napalingon ako sa likuran ko, psh.

"What if ayoko talagang sumali?"

"Then, hindi ka magiging fourth year."

"What?"

"No clubs, no advancing to the next year level. Hindi ka nakinig sa sinabi ni Miss Rios," sabay iling.

Hindi na ako umimik. Wala talaga akong gustong salihan.

"Wala bang klase ngayon?"

"The morning session will be recruitments for clubs and viewing their club rooms while in the afternoon session is the memberships."

Napabuntong-hininga ako, sana umabsent nalang ako. Tsk.

"You're planning on going home, Salazar?" tanong ni Eryx at tinaasan ako ng kilay sabay sirado ng libro.

"Why? Isusumbong mo ako kay Miss Rios?"

"Maybe."

"Eryx, wag ka naman ganyan kay S-S--Salazar," saway ng katabi ko.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon