Second Dive

319 13 0
                                    

Meriedeth Salazar

"Walang 'thank you?"

Napatingin ako kay Kuya Marcus. He is standing in fornt of me as I checked my uniform for my new school.

"Salamat, Kuya."

"You better be good, Deth."

"My grades are good, Kuya."

"Yeah, but your socializing skills? Tss."

"I promise gagawa ako ng kaibigan! Kahit buong section dalhin ko!"

Napailing nalang si Kuya.

"Kaibigan, hindi buong klase niyo."

"Makikipagkaibigan nga ako."

"Well, since, its a school of your choice at malayo sa office ko. Hindi kita mahahatid."

Nanlaki mata ko dahil sa sinabi niya.

"Masyadong malayo ang napili mong paaralan. But, in the first day, ihahatid kita at ikaw na bahala pag-uwi mo. It's what you want, diba?"

Napalunok ako dahil sa sinabi ni Kuya. I just nodded.

"Prepare your things for tomorrow at matulog ka ng maaga."

"Goodnight, Kuya," sabi ko at tumuloy na sa kwarto ko.

Kinabukasan maaga akong ginising ni Kuya Marcus. Wala akong choice, lulunukin ko nalang ang pride ko. Ayokong nasa iisang campus kami ni Marjorie!

"Late kang natulog kagabi, Deth?" tanong ni Kuya.

"Medyo nahirapan ako sa pagtulog but, I'm fine."

"I prepared your lunchbox. Make sure na hindi mo 'yan makalimutan."

"Opo, Kuya."

"Baka tatawag si Mama, mamayang gabi. Kaya maaga ka dapat na umuwi."

"Noted."

Hinatid na ako ni Kuya, habang nasa byahe kami ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, pakiramdam ko mali ang decision ko sa paglipat ng paaralan.

Pero, mas mabuti na 'to kaysa makahalubilo ko so Marjorie.

I'll do everything just to maintain this distance. I want to cut ties with all of them. Tss.

"Bakit ka ba nakajacket, Deth?"

I'm wearing a black jacket. Well, nakaschool uniform naman ako pero trip ko lang. Ayokong maiinitan ako, the sun is too hot.

"Trip lang."

"Nandito na tayo," huminto ang sasakyan sa harapan ng isang gate.

Huminga ako ng malalim bago tinanggal ang seatbelt ko. Binuksan ko na ang pinto at bumaba. Tinawag ako ni Kuya Marcus kaya nilingon ko siya.

"Ingat ka."

I just nodded and wish him to be safe, then he left.

May mga estudyante rin na papasok sa paaralan. Napatingin ako sa sign sa taas ng gate, nandoon ang name ng school.

Edward's East Highschool Inc.

Inayos ko ang kulay pula kong palda at ang jacket ko.

It's now or never.

Pumasok na ako sa paaralan. Sabi ni Kuya, dadaan muna ako sa Principal's office para kunin ang form ko. Mabuti nalang at nahanap ko kaagad. Kumatok ako ng tatlong beses at pumasok.

May nakita akong guro na nandoon, kausap niya ang principal. Ngumiti sila ng makita ako.

"Good morning," bati ng principal.

Dive #Wattys2021Where stories live. Discover now