Thirty-seventh Dive

176 8 0
                                    

Meriedeth Salazar

"May plano na kayo for valentine's day?" napakunot ang noo ko sa tanong ni Rovic.

"Ikaw? May plano ka ba?" tanong naman ni Shelanie.

It's already February, month of love.

Pwe.

"Wala akong ka-date, naghahanap pa ako," sabay tawa.

"Ang layo pa ng valentine's day," sabi naman ni Eryx na nagbabasa ng libro.

Tapos na ang nationals, even if hindi kami nakaplace ay binati kami ng mga schoolmates namin. We also held a small party at the club room. Since tapos na ang nationals, I guess wala ng training na magaganap. Focus na kami ngayon sa academics namin.

"Anong malayo? Dude, ngayong sabado na ang valentine's day!"

"Ikaw, Salazar, may plano ka for valentine's day?" tanong ni Eryx sa akin.

"I don't know. Baka may bibilhin lang ako sa mall."

What's so special for valentine's day? Its not like you'll die if you don't have a date on that day. Tss.

"Hays, bakit ba kasi ang gwapo ko? Nahihiya tuloy ang mga fans ko na yayain akong magdate," sabi ni Rovic at napailing.

"Wow, hiyang-hiya kami sa'yo," sabi naman ni Shelanie.

"Oh, talaga? Sino nga pala yung nakatanggap ng isang kahon ng dairy milk noong nakaraang taon, huh?"

"Hindi ko nga kilala kung sino ang nagpadala nun!"

"Pero, kinilig ka nun, Shells?"

"Ewan ko. Hindi. Hindi ko kasi kilala sino nagpadala."

"Si Eryx mapupuno naman ng love letters ang upuan niya ngayong biyernes o sa lunes," sabi ni Rovic at napabuntong-hininga.

"Oh?" napatingin sila sa akin. Tumango lang si Rovic.

"Daming love letter na natatanggap ni Eryx tuwing valentine's day at birthday niya."

"Parang napuno na nga yung kahon na pinaglagyan ko sa stockroom namin, e," sabi ni Eryx habang namumula ang magkabilang pisngi.

Oh?

"Dami mong admirers, Dude. Wala ka bang plano na e date kahit isa?" tanong ni Rovic kay Eryx.

"Why would I date someone that I don't know and I don't like?"

"May point ka nga."

"Parang ikaw lang yung namomoblema na walang ka-date. Hindi ka naman mamatay dahil diyan," sabi ko at natawa sila Shelanie at Eryx.

"Shark girl naman, e!"

"What? I'm just stating the obvious. Not just because its valentine's day it means that you are required to have a date. Tss."

Ngumuso lang si Rovic. Psh.

"You can just date and treat yourself," dagdag ko.

"Oh, self-love?" I just nodded at him. "Aha! Alam ko na anong gagawin ko sa sabado."

"Shelanie! May naghahanap sa'yo!"

Napalingon kami sa may pinto. Nandoon si Dashiel, kumaway siya sa amin. Kapatid siya ng triplets at nasa kabilanh section siya. Tumayo kaagad si Shelanie at nilapitan si Dashiel, mukhang importante, ata?

"Pakiramdam ko, yayain ni Dashiel si Shelanie magdate sa valentine's," sabi ni Rovic habang nakahawak sa baba niya, tila nag-iisip.

"Well, Dashiel is good guy. His sincere and thoughtful," sabi ni Eryx.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon