Epilogue

327 11 1
                                    

"Bakit hindi kayo umattend sa practice last week?" tanong ko sa dalawang babae at tatlong lalaki na nakatayo sa harapan ko.

Nakita kong napalunok sila dahil sa tanong ko. Nandito kami sa loob ng office ko. Hindi sila umattend ng practice last week, kahit isang araw ay hindi sila sumipot. Malapit na ang tournament at hindi sila nagseseryoso. Tss.

"Ano kasi, Coach, malapit na ang midterms," paliwanag na babaeng maikli ang buhok.

"Opo, Coach, malapit na ang midterms, nag-aral po kami the whole week," sabi pa ng isang babae.

"Kayo? Anong rason niyo?" tanong ko sa tatlong lalaki.

"May part time po ako, Coach kaya hindi ako nakaattend," sabi nung isa na nakasalamin.

Tiningnan ko yung dalawa na pinagpapawisan. Tss.

"Alam kong naglalakwatsa kayo sa gabi, partying all night? Akala niyo hindi ko alam na pinatawag kayo sa Dean?"

"Sorry po, Coach! Natuwa lang talaga kami sa pinuntahan namin na bar," sabi nung isa.

"Dami niyong pera para uminom, ah. Pera niyo?"

I saw them gulped.

"Coach!" napalingon kami sa may pinto.

It was Rio, 3rd year college student, captain ng swimming team sa Galvez University. Lumapit siya at napatingin sa limang estudyante na nakatayo sa harapan ko.

"Anong nangyari rito, Coach? May violation po ba sila?" tanong niya.

"Tinatanong ko sila kung bakit hindi sila umattend ng training."

Tiningnan ko silang lima. Uminom ako ng tubig bago nagsalita. Nakita kong pinagpapawisan sila dahil sa kaba. Tss. Sa kanilang lima, the three students have more reasonable reason than the two. Tss.

"Kayong dalawa," turo ko sa dalawang lalaki na ipinatawag ng Dean. "You may leave at wag na kayong bumalik."

"Nagbayad kami para sa registration fee sa club na 'to!" reklamo ng isa. "Ibalik niyo ang pera namin."

Napakunot ang noo ko, anong pinagsasabi niya. Tiningnan ko si Rio at naguguluhan siya, pati yung dalawang babae at yung lalaking nakasalamin.

"Ano registration fee?" tanong ng babaeng maikli ang buhok.

"May nagsabi na magbabayad lang kami ng 500 pesos, magiging member kami ng swimming team. Pwede kami maligo sa pool kung kailan namin gusto. Kaya kung tatanggalin mo kami, ibalik niyo pera namin."

"What the fuck is he talking about?" inis kong tanong.

"Sorry, Bro. Pero wala kaming alam sa sinasabi mo. We don't accept registration fees," sabi ni Rio.

Nakita kong nagulat ang dalawang lalaki at nainis yung isa.

"Anong wala? Sabi nung lalaki na magbayad kami!"

"Member ba 'yon ng swimming team?" tanong ng lalaki na nakasalamin.

"Baka hindi 'yon member," sabi ng isang babae.

"Na scam kayo," sabi ng babaeng maikli ang buhok.

"As the captain of the swimming team, hindi kami gumagawa ng ganyan. We don't accept registration fees."

"Rio, paki-assist sila palabas," sabi ko. "Kakausapin ko pa ang tatlong 'to."

Inis na lumabas yung dalawang lalaki, sinamahan sila ni Rio. Tiningnan ko yung tatlo na naiwan, mga first year college ang mga 'to. Hindi pa siguro sila sanay sa schedules nila. I'm going to give them a chance, kung makakapasa ang sagot nila.

Dive #Wattys2021Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu