Twenty-seventh Dive

182 9 0
                                    

Rovic Estevan Fajardo

"Goodluck, Dude!" sabi ko kay Eryx habang papunta na siya sa baba.

Nandito kaming lahat sa bleachers, halos mapuno yung bleachers. Daming school na nagpaparticipate. Nakakaba naman!

"Alright, heto ang pompoms niyo," sabay abot ni Melanie ng pompoms kina Shelanie. "Memorize niyo naman ang chant, diba?"

"Kailangan pa ba namin gawin 'to?" bored na tanong ni Meriedeth.

"Pampadagdag energy, Shark girl. Ano ba 'yan! Sus."

She just rolled her eyes at me. Nagsitayuan sina Shelanie nang lumabas na ang mga swimmer para sa freestyle event. Nakita namin si Eryx na nasa pang lima na lane.

"Woooooh!" sigaw ko sabay tayo at iwinagayway ang pompoms na kulay pula.

Kumaway si Eryx sa amin. Grabe siguro ang kaba na nararamdaman ni Eryx ngayon dahil sa event. Pero, kaya niya 'yan, nadala na si Eryx sa nationals pero hindi pa siya nanalo. Sana ngayong taon, manalo na siya.

Ako, babawi ako sa susunod na taon.

Kung hindi nga ako pipigilan ni Papa.

As if naman mapipigilan niya akong lumangoy.

Medyo natatakot pa rin ako ngayon baka pag-uwi ko isang uppercut ang sasalubong sa akin.

Agad na pumuwesto na sila sa platforms at naghanda na para sumisid. Tumunog na ang timer at nagsimula na ang event. Nangunguna si Eryx.

"One, two, three!" bilang ni Ate Melanie. "Go! Go! Go Eryx!"

"Go! Go! Go Eryx!" cheer namin nila Shelanie at Jezreal habang iwinagayway ang pompoms.

"Fight! Fight! Fight Eryx!" cheer naman ni Kuya Wesley na may dala na pompoms.

"Fight! Fight! Fight Eryx!" cheer namin nila Jazrill at Jazhel. Sila ang may dala na boards na may nakagalagay na..

Fight! Fight! Fight!
Eduward's East Highschool

May nagchecheer din mula sa kabilang mga paaralan pero hindi kami nagpatalo, kami lang ata pinaka maingay.

"Wooohhhh! Go Eryx!" cheer ko ng umikot na siya.

"Yessss!" hiyawan namin nang mahawakan ni Eryx ang wall, siya ang nasa first place!

"Baba na ako," paalam ni Kuya Wesley.

We told him goodluck and he went down. Ilang saglit ay dumating na si Eryx.

"Dude! Congratulations! Naamoy ko na ang gold medal!"

Natawa siya sa sinabi ko. Binati rin siya nila Shelanie. Inabot ni Ate Melanie yung pompoms kay Eryx.

"Walang excuse! Dapat e cheer mo rin si Wesley."

"I know," sabi niya ay umupo sa tabi ni Meriedeth.

"Ayan na! Magsisimula na!" sabi ni Jezreal. "Go Kuya Wesley!"

Lumusong na sila sa pool at humawak sa sila sa may hawakan ng platform. Nakaharap sila sa pader at nakatalikod sila sa tubig. Sinubukan ko gawin 'yon noong first year muntik na akong malunod dahil nataranta ako sa pagpasok ng tubig sa ilong ko.

Tumunog ang buzzer at tumalon na sila. Ang cool talaga tingnan ni Kuya Wesley.

"Go! Go! Go Wesley!" cheer ni Ate Melanie.

Dive #Wattys2021Where stories live. Discover now