Thirtieth Dive

174 10 0
                                    

Merideth Salazar

"Ayoko na! Hindi na kaya ng utak ko!" reklamo ni Rovic at nagdadabog na parang bata.

"Dude, kung hindi mo 'yan pag-aaralan, patay ka talaga. Dapat mong maisaulo yung formula. Kapag alam mo lang ang formula, tapos. Handa ka na sa sumabak sa exam," sabi ni Eryx.

"Pwede bang break muna tayo? Sobrang pagod na ng utak ko. Promise."

Its been two weeks mula ng manalo kami sa regionals. Pagpasok namin sa classroom naghanda ng banner at cake yung mga kaklase namin. Binati nila kami at kinamusta. Sila Shelanie na ang nakipagkuwentuhan sa kanila nun, dumiretso ako sa upuan ko at hindi sila pinansin.

Inabutan ako ni Andrea ng slice ng cake nun kaya kinuha ko 'yon at nagpasalamat. After the day na pumunta kami sa amusement park ay awarding ceremony na nun. Sabi ni Miss Morales around January or Febuary yung nationals.

"Basta yung formula isaulo mo," sabi ni Eryx.

"Cafeteria tayo!" yaya ni Rovic.

"Sige, tara, gutom din ako," sabi ni Shelanie.

"Salazar, sasama ka?" tanong ni Eryx.

Tiningnan ko silang tatlo. Medyo nagugutom din ako. Kinuha ko pitaka ko mula sa bag at tumayo. The four of us went towards the cafeteria. Nag-uusap si Shelanie at Rovic tungkol sa strawberry cake na nagong tinda ngayon.

"Tahimik mo," komento ni Eryx. Sinulyapan ko siya at napailing ako.

"Parang hindi ka pa nasanay. Tss."

Naalala ko pa ang nangyari noong sumakay kami sa ferris wheel, why did he asked permission to call me by my first name? In the end, mas nasanay siya na surname ko ang tawag niya sa akin.

Malapit nang magpasko, next week ang exams and the day after the exams is christmas parties. Nakakapagod umattend.

"May nabili ka na ba para sa exhange gift?" tanong ni Shelanie sa amin habang kumakain ng cake.

"Wala pa, magkano ba ang budget?" tanong naman ni Eryx.

"Uh, 800 to 2,500," sagot ni Shelanie.

"Mahal naman!"

"Ang mahal."

Nagkatinginan kami ni Rovic dahil sabay kaming nagreklamo, ngumiti siya ng nakakaloko.

"Anong plano mo sa exchange gift, Shark girl?"

"Ayokong umattend. Total wala namang klase niyan."

"Hay naku, Salazar. Umattend ka! Sabay tayong bumili ng gift pada sa exchange gift!" sabi ni Shelanie.

"Nakakapagod, Shelanie."

"Killjoy talaga ng pating na 'to," sabi naman ni Rovic.

"Tss. Paano nalang kung magbibigay ako ng maganda na regalo tapos matatanggap ko mga plato o baso? Sayang ng pera ko, tss."

Uminom ako ng tubig, napataas ang kilay ko dahil nakatitig pa rin sila sa akin.

"What?"

"May point si Shark girl. Sabihin natin kay Pres ang tungkol dito," sagot ni Rovic.

"Ano ba maganda ilagay para sa exchange gift?" tanong ni Shelanie. "Make-up?"

"Paano kung ako ang makatanggap?! Magmamake-up ako? Naku naman, Shells."

"If you want that, how about skincare products? Boys can use it too," sabi ni Eryx.

Nagpatuloy sila sa pagplano kung anong magandang bilhin para sa exchange. To be honest, wala akong naiisip, ayokong umattend, e. Days passed by at biyernes na ngayon, papunta kami sa club room dahil may meeting. Next na ang exams at party, ano bang pagmemeetingan?

Dive #Wattys2021Where stories live. Discover now