Twenty-second Dive

227 9 0
                                    

Meriedeth Salazar

"How's your sleep, Deth? Ayos lang ba pakiramdam mo?" tanong ni Aunty Rebecca.

"Medyo masakit katawan ko pero ayos lang."

"Anong sabi ni Miss Morales?" tanong ni Kuya.

"Tungkol saan?" naguguluhan kong tanong at uminom ng mainit na milo.

"Tie kayo ng taga Clarine, wait, familiar yung mga pangalan na representatives nila. Parang narinig ko na 'yon," sabi ni Kuya at uminom ng tubig.

"Sila Veronica 'yon, Kuya."

"Veronica? Yung maingay na bata?!"

"Yes."

"Hala, wow, ilang taon kayo hindi nagkita, tapos ngayon, wow," sabi ni Kuya at napailing.

It's sunday today, masakit katawan ko but its fine. Inayos ko buhok ko, kumakain kami ng tanghalian ngayon.

"Yung mga teammates mo noon, rivals mo na. Nagkausap na ba kayong apat?" tanong ni Kuya.

"Yeah, pero hindi talaga kami nagkuwentuhan. Sabi ni Carrie she will messaged me."

"Regards mo ako sakanila."

I just nodded at nagpatuloy sa pagkain.

"Deth, tie kayo ng taga Clarine, so, pasok dalawang teams niyo sa regionals?" tanong ni Aunty Rebecca.

"Kakausapin pa namin si Miss Morales tungkol po diyan."

"Saan ang venue? Kailan ang regionals?" tanong ni Kuya.

"Two months from now. Hindi ko alam kung saan ang venue."

"Manonood kami ni Aunty Rebecca! Magdadala ako ng banner."

"Mapapaos ka na naman, Kuya," saway ko sakanya.

"Hayaan mo na, minsan lang naman. I should be doing it before, but you know I study abroad, diba?"

"Whatever. Mawawala boses mo."

Tumayo na ako at iniligpit ang pinagkainan ko. Sinabi ni Aunty Rebecca na siya nalang ang maghuhugas at magpahinga nalang ako. Lalagyan niya raw ng salonpas likod at balikat ko mamaya.

"Nga pala, tatawag si Mom mamaya," sabi ni Kuya habang kumakain.

"Oh."

"Gusto mo ba siyang makausap? Tagal niyong—"

"Pagod ako, Kuya."

Umakyat na ako sa taas at nagkulong sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at nakinig ng mga kanta mula sa cellphone ko. Huminga ako ng malalim at pumikit.

Ilang taon na ba ang lumipas mula ng huli ko siyang nakausap?

Tss.

Alam kong pipilitin ako ni Kuya mamaya na kausapin si Mama, ano ba gagawin ko?

Anong oras na ba?

Madalas tumatawag si Mama around 8pm. Its still 2pm, ano bang gagawin ko? Kung matutulog ako ngayon, hindi ako makakatulog mamaya. Punta nalang ako sa park.

Nagbihis ako, I'm wearing black clothes. I grabbed my hoodie and headphones. Kinuha ko rin wallet ko at cellphone. Bumaba na ako, naabutan kong may nirereview si Kuya na nga papeles.

"Saan ka?"

"Diyan lang sa labas."

"Balik ka kaagad."

Tumango lang ako at lumabas na. Sumakay ako ng jeep at bumyahe. Medyo malayo yung park sa bahay, malapit lang siya sa school. Bumaba na ako at naglakad patungo sa park. Well, medyo malayo pero ayos lang. Hindi naman mainit, its cloudy today.

Dive #Wattys2021Where stories live. Discover now