Eighteenth Dive

218 10 0
                                    

Meriedeth Salazar

"Salazar.."

Inaantok pa ako, tumalikod at niyakap ang unan ko.

"Salazar, breakfast is ready."

"Mamaya na ako babangon, Shelanie."

"Nga pala, anong meron kagabi?"

"Huh?" nilingon ko siya habang nakakunot ang noo ko.

Ang bigat ng mata ko. Nakakaantok.

"I saw Eryx carrying you."

Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Ano? Teka—napapikit ako ng maalala ang mga nangyari. Bakit ko ba nakalimutan? Wait, totoo?

I cried in front of him?

How stupid.

Nakatulog ako habang umiiyak?

Sobrang stupid.

Tiningnan ko si Shelanie, naghihintay pa rin siya ng sagot.

"Paano mo nalaman?"

"Pababa ako nun dahil mag-cr, when I opened the door Eryx was carrying you. Nakatulog ka raw."

Stupid.

"Sino ang mga tao sa baba?"

"Mga kasama natin. May visitor kang inaasahan?" I shooked my head.

Inayos ko ang kama ko bago bumaba. Tapos na kumain ang iba. Umupo ako sa upuan ko at sumabay sa pagkain si Shelanie sa akin.

"Nga pala, guys, around 2pm tayo aalis mamaya so, make sure to clean and check your stuffs, okay?" annunsyo ni Melanie.

"Hala, 2pm?" tanong ni Miss Morales.

"Wala ka po kasi noong friday, teacher," sabi ni Dashiel.

"May plano pa naman sana akong gawin for today."

"May date kayo, Miss Morales?" pang-aasar ni Rovic.

"Wala nga akong boyfriend! Anyway, pupunta tayo sa bayan ngayon. Pagkatapos nilang kumain."

"Anong gagawin po natin doon, Miss?" tanong ni Shelanie.

"May gagawin tayong activity," sabay kindat.

Hays, activity.

Ngayon ko lang naalala na club pala 'to. Masyado kaming focus sa training dahil malapit na ang district meet. Two weeks away at district meet na. I still can't feel the pressure of the event. Dahil siguro matagal na akong hindi nakalaro. Hays.

After eating tinulungan ako ni Shelanie sa paghugas ng mga pinggan. Ako ang nagsasabon siya ang nagbabanlaw.

"Shelanie, magbihis ka na. Konti nalang 'to."

"Sigurado ka? Ayos lang?"

I nodded and she went upstairs. Ilang plato at baso nalang 'to. Naramdaman kong may tumayo sa pwesto ni Shelanie. Bilis naman niyang magbihis.

"Good morning, Salazar."

Nanlaki mata ko, napalingon ako sa bumati. Si Eryx pala, nakawhite longsleeve siya at black pedal shorts. I just nodded at ibinalik ang tingin sa plato na hinuhugasan ko.

"Oh, morning."

Bakit ba ako kinabahan?

Dahil ba sa nangyari kagabi?

Who wouldn't be nervous?!

You're so stupid last night.

"I can wash the dishes, para makapagbihis ka na," he offered.

Dive #Wattys2021Where stories live. Discover now