Forty-sixth Dive

156 6 0
                                    

Meriedeth Salazar

"Hindi ka ba papasok ngayon, Anak?" tanong ni Papa sa akin habang kumakain ng almusal.

Today is Monday, back to school na kami ngayong araw. Ayokong pumasok ngayon, I feel down. Hindi ko maiintindihan sarili ko these days.

"Bukas nalang po, Pa. Ayokong pumasok ngayon."

"Matataas naman grades mo kaya walang problema, basta pumasok ka bukas," sabi ni Mama.

I nodded, pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin, hinugasan ko iyon bago pumasok at nagkulong sa kwarto.

Lumipas ang Pasko at Bagong taon, binisita ko si Rovic sa hospital noong pasko, sabi niya nagkaroon daw siya ng LBM dahil na food poison daw siya. Iyan kasi, ang takaw, tss. He gave me a black cap, limited edition daw 'yon. Ewan ko bakit binigay niya 'yon, last time I checked muntik na siyang umiyak noong bibilhin ko sana yung bucket hat na limited edition. Ang disenyo ng cap na binigay niya is may ulo ng shark na nasa harapan, its cute kaya ayos lang.

I also greeted Shelanie noong Pasko at New Year, sabi niya ibibigay niya regalo niya para sa akin pagbalik ng klase. Yung regalo ko para kay Shelanie at Rovic ay next week pa dadating.

Nanonood ako ng movie mula sa laptop ko, tumunog cellphone ko kaya kinuha ko ito sa may bedside table. May chat galing kay Shelanie.

Shelanie: Absent ka ngayon?

Meriedeth: Bukas o sa susunod ako na araw papasok.

Incoming video call from Shelanie..

Agad ko itong sinagot at bumungad sa akin ang mukha ni Shelanie, from the looks of it nasa classroom siya.

"May sakit ka ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Sino 'yan? Si Salazar?" rinig kong tanong ni Andrea.

I saw Shelanie nodded at ilang saglit ay bumungad sa akin ang mukha ni Andrea.

"Pumasok ka bukas. Baka mamaya magsisisi ka."

"I'm not feeling well," I lied.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ni Shelanie.

"Hmmm. Uminom na."

"Sino 'yan, Shelanie?" tanong ni Dashiel.

"Si Salazar, masama raw pakiramdam niya kaya hindi siya pumasok."

"Get well soon, Salazar!" sabi ni Dashiel at kumaway.

"Salamat."

"Si Shark girl ba 'yan?!" I heard Rovic's voice. "Shark girl!" I saw his face.

"Ano ba 'yan. Tss."

"Ayos ka lang ba? Bakit ka absent?"

"Masama pakiramdam ko."

"Gusto mo ng cake?"

"Pwede ba kumain ng cake yung may sakit?" tanong ni Andrea habang nasa kabilang linya.

"Bakit? Hindi ba pwede?" tanong ni Rovic.

"Fruits dapat pinapakain sa may sakit," sabi ni Dashiel.

"Anong gusto mo? Apple? Orange? Saging?" tanong ni Rovic.

"I'm fine. No need."

Ilang saglit ay pinatay ko na ang tawag dahil dumating na yung teacher para magklase. Napabuntong-hininga ako. Damn it. Pinatay ko yung laptop ko at nagbihis.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon