Eleventh Dive

248 11 0
                                    

Meriedeth Salazar

"Sigurado ka ba, Shark girl? Pwede ka naman magback-out."

Tinaasan ko ng kilay si Rovic, ilang beses na niyang tinanong 'yan habang papunta kami dito sa school. Nandito kaming apat sa building ng swimming club.

Nandito kami sa lounge area. Mamayang 1:30pm magsisimula ang championship game. May mga pupumunta na sa pool area sa labas. Ewan ko ba bakit kasali pa rin ako, tss.

"Paanong kasama pa ako sa championship, I'm absent for days?" napalingon sila sa akin.

"Apat lang naman kayo na lumangoy that day. They just want to repeat the event again."

"Pwede ba 'yon?"

"Championship nga, apat lang naman kayo. Malay natin, ngayon. Second ka lang pala," pang-aasar ni Rovic.

"Laban lang, Salazar," pagchecheer ni Shelanie.

"Wag mo akong e cheer. Ayoko ng ganyan."

"Noted," she just nodded.

"Since lalangoy si Shark girl, may libre ka mula sa akin ngayon," annunsyo ni Rovic.

"Shut up, Kawal."

Tumayo ako at pumunta sa may indoor pool. Naramdaman kong sumunod sila. Tiningnan ko silang tatlo. Hays.

"Huling beses ko na 'tong gagawin."

"Paano kung madadala ka sa dictrict meet? Something like that, ayaw mo?" tanong ni Rovic habang nag-uunat, his wearing his physical education uniform.

"In the first place I have no plans on swimming again."

"Kaya ba nagcucutting ka tuwing may klase tayo sa pool area, Salazar?" tanong ni Eryx at nagstretching.

"Tss. Just shut up," he just nodded.

Nabalot kami ng katahimikan. Just then, marami nang tao na pumapasok papunta sa outdoor pool.

"Daming audience.."

"Ngayon lang naman ulit magkakatao sa pool area," sabi ni Eryx.

"Malay natin after ng intramurals, magkakaroon ng bagong members ang club," sabi ni Shelanie.

"Sana nga. Dahil kung hindi, wala na talagang extension."

We went outside, umupo kami sa unang palapag ng bleachers. May mga sinasabing announcements, tumayo na si Eryx.

"See you later, guys," paalam niya at naglakad na patungo sa pool.

Apat lang sila na lalangoy. Shelanie and Rovic began cheering, pati na rin ang nasa likuran namin. Ingay, kainis.

"Balik muna ako sa loob," paalam ko kina Shelanie.

"Oh? Hindi ka manonood, Shark girl?" tanong ni Rovic.

"Masyadong maingay."

Tumayo na ako at pumasok sa indoor pool. Umupo ako sa mga bench na nandoon at sumandal. Huminga ng malalim at pumikit.

Here I am, lalangoy ulit.

Hindi ako marupok.

Masyado silang nakakainis, I just want them to stop.

Daming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi ni Kuya Marcus kanina.

Dad stills supports me?

Tss.

Talagang walang alam si Kuya.

"Hindi ka nanood?"

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon