Fifteenth Dive

234 12 0
                                    

Meriedeth Salazar

Tinapos ko na ang noodles ko at pumasok sa building. Napatingin sila sa akin. I just ignore them at umupo sa bakanteng space sa gitna nila Eryx at Shelanie, nasa dulo naman si Rovic.

Nakaupo naman sa harapan namin si Melanie at sa kabila pang couch yung kambal. Nakatayo si Wesley at napakurap habang nakatingin sa akin.

May ginawa ba akong mali? Tss.

"Salazar, magpakilala ka sakanila," sabi ni Shelanie.

"Kailangan ba?"

"Hala, of course, Shark girl."

Napabuntong hininga ako, tiningnan ko ang kambal. Ngumiti sa akin ang babae habang ang lalaki naman ay nakasimangot. Tss.

"Meriedeth Salazar."

"I'm Jezreal Castro and this is my twin Jazrill Castro," she smiled.

I just nodded.

"So, magkakilala na tayong lahat. Let's proceed with the meeting," sabi ni Wesley.

Agenda:

*District meet
*Training camp three days
*Training schedule

"So, sa district meet, automatic na ang mga na nanalo ang representative."

Isinulat ni Melanie sa small white board na nandito.

Freestyle event — Meriedeth , Eryx
Backstroke event — Andrea , Wesley
Breast stroke event —
Butterfly event — Melanie , Rovic

"Who is Andrea, po?" tanong ni Jezreal.

"Kaklase namin, siya nanalo sa event," sagot ni Shelanie.

"We will talk to her on monday if sasali ba siya. She's the representative rin last year," sabi ni Wesley.

"Bakit hindi member si Andrea?" tanong ko.

"She was," sagot ni Eryx.

"Oh? Bakit siya umalis?"

"Things got complicated, Salazar," bulong ni Shelanie.

"There's no representative for the breast stroke, po?" tanong ni Jezreal.

"Uh, wala pa," sagot ni Wesley habang nakatingin sa white board.

"Is it alright if we are going to be the representatives?" sabay akbay sa kambal niya.

Napakurap si Wesley sa tanong ni Jezreal.

"We will think about it, we need the approval of your parents sa pagsali niyo sa club," sabi ni Melanie.

They nodded, biglang tumunog ang cellphone ni Jazrill. Tumayo siya at humingi ng permiso na sagutin ang tawag sa labas. Pagkalabas niya sa building ay may narinig kaming sumigaw.

"Ano 'yon?" tanong ni Shelanie.

May narinig kaming parang nag-aaway.

"Oh no," agad lumabas si Jezreal, pagkalabas niya ay may sinigawan siya.

Napatayo sina Eryx at lumapit sa may pinto. Sumunod din ako, may nakita kaming isa pang lalaki na nakatayo sa harapan ni Jazrill.

"Diba, sabi ko sa inyo wag niyo akong iiwan doon?!" inis na bulyaw ng lalaking—wait, he looks like Jazrill.

"Slowpoke," sabi naman ni Jazrill.

Nanlaki mata ko dahil kinuwelyuhan siya ng lalaking kamukha niya.

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon