Forty-fourth Dive

146 7 9
                                    

Meriedeth Salazar

"Here's the budget for the food, Miss Salazar. Hihingiin ko pa ang schedule sa ibang teachers para mas lalo tayong makapaghanda bukas," sabi ni Miss Morales sa akin.

"Hindi ka po sasabay sa amin ngayong lunch?" tanong ko.

"Hindi na, sasabay ako sa ibang faculty member ngayon."

I nodded at umalis na si Miss Morales. Lumapit ako sa groupo namin, we are wearing our physical education uniform with our swimmin club jacket. Kakatapos lang ng opening ceremony at maglulunch na kami. We are currently at the venue where the opening ceremony for the regionals was held.

Yes, regionals na ngayon.

Pagkatapos noong district meet ay nagtraining kami ng husto kasi sabi ni Miss Morales na sasali kami sa provincial meet at may other players din sa swimming. Hindi kami nagpatalo kaya kaming lahat ay nandito ngayon.

Tumikhim ako at napalingon sila sa akin.

"Let's grab lunch at pagkatapos ay pupunta tayo sa pool area nila," sabi ko sakanila.

"Sa hotel tayo kakain?" tanong ni Andrea.

"May karinderya akong nakita sa labas kanina, maraming tao doon. Masarap siguro pagkain nila," sabi ni Rovic habang inaayos ang bucket hat niya.

"Karinderya?" tanong ni Andrea.

"Well, ayos lang naman sa karinderya," pagsang-ayon ni Eryx kay Rovic. "Kayo, Dash? May ibang suggestions kayo?"

Napatingin ako kina Dashiel at sa triplets. They just shooked their head.

"Ayos lang po sa karinderya," sabay na sagot ni Jezreal at Jazhel.

"Kayo?" tanong ko kina Xiomara at Brina.

"Ayos lang po, sanay na po kami sa karinderya," nakangiting sagot ni Xiomara.

I looked at the second years and they just nodded.

"Naku, si Andrea maarte. Let's look for a fine dining restaurant," annunsyo ni Rovic.

"I'm not! I was just kind of.. Uh.. A little bit of shocked, okay? Hindi ibig sabihin nun ay hindi ako kakain doon. If everyone is going there, I'll go too. Duh."

"Wew."

"Should we go back to the hotel at doon nalang kakain?" tanong ko.

"Kubg babalik tayo, mapapagod tayo. Babalik naman tayo dito dahil titingnan natin ang pool area," sabi ni Eryx.

"Aray! Para saan 'yon?!" reklamo ni Rovic kay Andrea.

"Nakakainis ka kasi. Tara na nga sa sinasabi mong kainan!" sabay kaladkad kay Rovic palabas.

Sumunod na rin kami, nasa unahan sila Shelanie at Dashiel at nakasunod sa kanila ang triplets, sophomores at freshmen habang kami naman ni Eryx ay nasa likod.

"Bibili ba tayo ng souvenirs ngayon?" tanong ni Jezreal kay Jazhel.

"Kung papayag si Ate Salazar, bibili tayo at mag-ikot-ikot," sagot ni Jazhel.

"Kung papayag siya, if I know, papayag siya kapag tapos na tayo maglaro sa mga games natin," sabi naman ni Jazrill.

"Shall we check the souvenirs after checking the pool area?" tanong ni Eryx sa akin.

Noong provincial meet ay hindi na kami nag-ikot-ikot dahil sa labas mismo ng venue ay maraming nagtitinda ng mga souvenirs sa labas. Dito sa lugar kung saan hineld ang regionals ay sinabi nila na may specific area kung saan nagtitinda ang mga tao ng souvenirs.

Dive #Wattys2021Where stories live. Discover now