Thirty-ninth Dive

135 7 0
                                    

Meriedeth Salazar

Its been a week mula ng nagkasagutan kami ni Eryx. I'm cool with it at hindi ako hihingi ng tawad. Tss. Bakit ko naman gagawin 'yon?

Kinakausap naman nila Shelanie at Rovic si Eryx. Hindi ko siya kinausap simula ng nagkasagutan kami tungkol kay Erin, yung babaeng natamaan ng bola.

"Salazar," nilingon ko si Shelanie.

"What?"

"Ayos lang ba sa'yo ikaw gagawa ng report sa page 6 to page 8?"

"Report?" naguguluhan kong tanong. May report?

"She's not listening to our teacher, Shelanie."

Sinulyapan ko si Eryx na may binabasa sa textbook namin, tss. I'm not gonna waste my time talking to him. Tiningnan ko si Shelanie at nakita kong napalunok siya.

"Anong e rereport?"

Agad niyang ipinaliwanag ang tungkol sa report namin. We will be reporting it next week.

"PowerPoint presentation or manila paper?" tanong ko.

"We already decided to make a PowerPoint presentation for our report, Salazar," sabi ni Eryx.

Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita si Rovic.

"Dude, ikaw magcocompile?"

"Pwede na rin, dapat before friday ay nasa akin na yung reports niyo. I'll compile it sa sabado para wala tayong problema."

"Noted," sabay na sagot ni Shelanie ay Rovic.

Sumandal ako sa upuan ko, kinalabit ako ni Shelanie at tiningnan sila. They are waiting for my answer.

"Noted," tamad kong sabi.

Tanghali na akong nagising, hindi ako nakatulog ng maayos dahil nabitin ako sa binabasa ko online. Natatakot ako para sa susunod na update, baka mamatay yung paborito kong character. Well, ayos lang naman dahil sabado ngayon.

May lakad si Kuya, pati si Aunty Rebecca may lakad din. Sila Mama at Papa ay umuwi muna sa probinsiya. Bibisitahin nila si Lola. After the closing ceremony for this school year ay uuwi rin naman kami sa probinsiya.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot at inilagay sa loud speaker mode. Kumakain ako ngayon.

"Shark girl!"

"What?"

"Buksan mo naman ako dito, oh! Ang init sa labas!"

Napakunot noo ko at sumilip sa bintana. Agad akong tumakbo ako patungo sa gate. Binuksan ko iyon at niyaya siya sa loob ng bahay. I offered him some food at pinili niya yung potato chips na nandito. I also gave him a glass of orange juice.

"Ngayon ka lang ba kumain ng almusal? Hindi ka pa naliligo? Ew," sabi niya habang nakaupo sa tabi ko.

"Tumahimik ka nga, bullshit."

"Wow."

"Ano bang kailangan mo?"

"Hindi ko pa kasi naisubmit kay Eryx yung report file ko. Sabi niya isabay ko nalang yung sa'yo dahil hindi mo raw sinubmit," sabay inom ng juice.

Nanlaki mata ko at napaubo dahil sa sinabi niya. Dahil sa taranta niya ay inabot niya sa akin ang baso na ginamit niya na may laman pang juice. Ininom ko 'yon at napahinga ng malalim. Sinamaan ko siya ng tingin.

"What? Galit ka pa rin ba kay Eryx?" patay malisya niyang tanong.

"Bakit naman ako magagalit kay Eryx? Like, what the fuck?"

Dive #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon