Kabanata 12

537 13 0
                                    

"We miss you!!" Hagulgol ni Fiona at Idina sa balikat ko habang niyayakap nila ako ng napakahigpit at niyapos yapos pa nila ang buhok ko.

They are all crying habang sinasalubong nila ako ng mga yakap. I can't help but to cry lalo na ng nakita kong humahagulgol si Lorna sa sulok kasama si Caspian.

"Babes Kathy! I miss you babatak!" Sabay tulak nya sa mga babae para lang masolo nya akong yakapin. Napatawa nalang ako lalo na ng nakita ko ang mga pikon na mga mukha nila Ate Idinia at Fiona.

"Miss you too, Caspian sea!" Sabi ko naman. Nagulat naman ako ng hinalikan nya ako sa pisngi. Mukhang hindi lang naman ako ang nagulat maging lahat ata sila dito.

Kahit mag kaibigan kami ni Caspian never kaming naging clingy sa isa't isa. Hanggang akbay lang at hindi kami aabot sa puntong mag hahalikan na kami.

Tinulak naman ng kaunti ni Roman si Caspian. Agad naman akong pumagitna sakanila baka gumawa pa sila ng eskandalo dito.

Napang asar naman ang ngitian ni Caspian habang si Roman naman siryoso at mukhang mananapak na anytime.

"Chill bro. Tinitignan ko if mag seselos ka. Kanina kasing niyakap ko si Babe, sama na ng tingin mo sakin. I guess, mukhang nagselos ka nga." Natatawang sabi ni Caspian kay Roman.

"Mapang asar, Caspian." Si Ate Idina sabay irap nito sakanya. Umiling nalang ako habang iniirapan ko si Caspian.

"Chill, babes." Natatawang sabi ni Caspian habang tinataas nya ang dalawang kamay nito na para bang sumusuko ito.

Napukaw ko naman ang pansin ni Lorna at nangamba ako na baka galit ito sakin dahil sya nalang ang hindi yumakap sakin.

"Gaga. Bat ka umiiyak? May patay ba?" Pabiro kong tanong kay Lorna na humahagulgol pa din hanggang ngayon.

Umirap at umiling ito at sinugod ako ng mahigpit nitong yakap. "Pussy Cat! Namiss kita! Alam mo tumigil na ako sa mga kalokohan at paglilibot!" Pagrarant nya sakin na kinatawa ko naman.

Improving pero oarang pinapamukha nya sakin na bad influence ako ah. It really hurtz.

" Ikaw nga lang ang super bff babatak kong kaibigan eh."

"Ehem. Baka nakakalimutan mo. Ehem" Pagpaparinig ni Caspian.

"Hindi ka matino. Isa pa, mapanakit ka kaya, ok?!" Si Lorna. Kinutya naman nila Ate Idina at Fiona ang nagkukunwareng nasaktan na may pahawak pa sa dibdib na si Caspian.

"Bruha mukhang pumayat ka." Sabi naman bigla ni Lorna ng kumalas ito sa pagkakayakap sakin.

"Oo nga. Pinapakain ka ba nila doon?" Si Fiona.

"Don't tell me pinapahirapan ka nila?" Exaggerated na sambit ni Ate Idina.

" Ano ba! Natural lang to. Ganyan talaga pagmaganda. Ako nga pala ang next Catriona Gray ng Pilipinas." Pabiro kong sabi Sabay rampa naman ako sa harapan nila na kinatawa nila at pambabatok ni Lorna sakin.

Umupo at kumain na kami. Habang kumakain kami ay sandamakmak na tanong ang binbato nila sakin kaya kinwento ko na sakanila ang lahat ng mga kaganapan sa Resort.

Mukhang sinadya talaga nila ang araw na to bukod sa mga paborito kong pagkain ang mga nakalapag, itong pwesto din na ito ang pinaka gusto ko dahil tanaw namin ang magandang scenery sa lugar na to.

"Talaga? Madaming ginagawa doon?" Tanong ni Gaga habang may subo subong fried chicken sa bibig nito.

"Oo. Atyaka nakakaimbyerna si Ponyo. Utos doon, utos dito, report doon, report dito. Inshort ang epal nya sa kalayaan ko."

My Beloved Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon