Kabanata 25

492 15 2
                                    

"Ma, ayokong pumunta sa State event na yan. "

Ramdam ko ang inis ni mama sa kabilang linya dahil sa ayaw ko pumunta sa event na tinutukoy nito.

"Nakakahiya na hindi tayo kumpleto sa event. 1 month ka na nga wala sa bahay ngayon kami naman ang pagbigyan mo."

" Ang ingay mo. Napano ba?" Si PaPa sa kabilang linya.

" Ayaw umuwi ng anak mo, ayaw pumunta sa dinner event." Bakas ang pagkairita sa boses ni mama. Napahawak nalang ako sa sentido ko dahil sa hilo na nararamdaman.

Pinasa naman ni mama ang phone kay PaPa para kausapin ako nito. "Muli na ka. Eku buri ing gagawan mung yan. Marine na ka man kang gov. Muli na ka. (Umuwi ka na. Ayaw ko ang mga ginagawa mong yan. Mahiya ka naman kay Gov. Umuwi ka na.)" May halong awtoridad sa boses ni PaPa.

"Narinig mo PaPa mo? Umuwi ka na. Sabi din ng tito mo na hindi daw maganda ang pakiramdam mo dyan kaya umuwi ka na." Bilin ni mama atyaka na nya binaba ang linya namin dalawa.

Padabog na akong nag impake ng gamit ko para sumabay na sa tito ko pauwi ng Pampanga. Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ay may napansin ako na nagbago sa katawan ko. Medyo lumaki ang bandang balakang ko at sumasakit din ito every morning.

Baka siguro dahil hindi ako masyadong gumagalaw dahil puro higa lang naman kami ng pinsan ko sa condo ng tito ko.

Buong byahe namin ay puro tulog lang ang ambag ko. Kaya ko na ba talagang humarap kay Lucas. Wala na sigurong pake alam iyon sakin and probably alam naman nya siguro na buntis si Kaylee.

Medyo natraffic naman kami ni tito at may dinaan pa ito sa Tarlac. Kaya medyo madilim na ng makadating kami sa bahay.

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nadatnan kong wala na si mama at PaPa sa bahay at nauna ng pumunta sa dinner event. Tinext din nila ako na about dito at pinalalahanan pa nila ako na pumunta.

Of course pupunta ako. I need to end the war.

I'm in my white tube cropped top with the leather jacket on it. I paired it with my black high waisted short and black highcut heel boots. Tinali ko naman ang mahabang buhok ko into a messy bond hair. I also put maroon lipstick, medyo shade of black on my eye part na mas nagpabagay sakin dahil sa maputi kong balat.

I look like a bad asf girl. Why not. Kung yan naman tingin nila sakin. Edi pagbibigyan ko tutal naman masaya na sila sa mga nangyayare.

Hinintay na ako ng tito ko para ihatid ako nito sa dinner event na sinasabi ni mama. "I'm on my way." Sabi ko sa linya sabay baba ko nito ng malapit na kami.

Habang papalapit kami ay nakaramdam ako ng kaba dahil medyo madami ata ang guard nila Gov at PaPa. Ngunit pagkababa ko ay napagtanto ko na hindi ito ang mga tauhan ng magulang ko at ni Gov. Nasa labas din ang mga tao at tila nagkakagulo ang mga ito.

Agad kong sinagot ang tawag sa telepono ko the moment it rings. "Yes?..... 20 bitches....sorry not sorry." Ngisi ko ng mukhang nakikinig ang mga guards sakin.

Tila nagpagtanto ko na ang mga nangyayare. Habang nagbabakasyon ako sa tito ko, he taught me some strategies and skills about fighting. Alam din nya ang posibleng gawin ng mga Villanueva. He reached out his hand to help me to saved my family laban sa mga Villanueva.

"Bawal pumasok." Harang guard sakin.

"Back off." Matapang kong sabi sakanila. Hindi ko alam kung bakit napaurong sila at pinadaan nalang nila ako basta basta. Hindi na ako tumingin sa likod ko fah marahil si tito lang iyon.

Bago pa ako pumasok sa loob ay narinig ko na ang boses ni Val Villanueva na umaalingaw ngaw. Madami din guards ang nakapalibot sa pamilya ko, ni Lorna at Gov
"Wala kayong laban samin kung ako sayo Santiago kasama ng mga Pamilya mo. You all back off."

My Beloved Sandoval (Completed)Where stories live. Discover now