Kabanata 17

493 14 1
                                    

"Mainit pa ba ulo nya?" Tanong ko kay Bea sa isang sulok. May ginawa kasi akong leche flan with the help of mama tapos pinabaunan nya naman ako para daw may ma kain kami ni gaga.

"Huh? Siguro." May halong pagaalinlangan sa boses ni Bea.

"Lagi naman siryoso at minsan strikto si Sir eh. Hindi ka pa ba nasanay? Atyka ano yang tinatago mo sa likod mo?" Habang sinusulyapan nya ang dala kong leche flan na tinatago ko sa likod ko.

"Mmhh.."

"May atraso ka ba sakanya?"

"Wala.." sagot ko. "Alam mo ba kung nasan sya ngayon?" I asked her.

" Baka nasa opisina. Ah.. ayun pala sya." Sabay turo nya sa likod ko. Napabaling naman ako sa likod ko at dirediretso ito papunta sa kanyang opisina.

Marahil ay hindi nya ako nakita o sadyang hindi lang nya ako pinansin.

Iniwan ko na si Bea at lakas loob na pumasok sa opisina. Walang pasintabi ay binuksan ko na ang pintuan at bumgad naman si Coco na agad ko naman binuhat.

"I'm busy." Bungad naman ng siryosong si Ponyo habang abala sa mga papel sa desk nya.

"I'll help you." Ngiti kong sabi.

"I don't need it." Masungit nyang sabi habang di padin ako tinititigan nito.

"Is there is a problem?"

"I don't want you here, your presence was very disturbing." His baritone voice made me tremble but I know that wasn't able to give up.

"Edi disturbing. Kahit na ipagtabuyan mo ko, dito lang ako." Sabay upo sa upuan na nasa harapan nya at nilapag ang leche flan na nasa harapan nya.

"I made that." Confident kong sabi ngunit hindi man lang nya inangat ang tingin nya sa nilapag ko.

"I don't eat sweets."

" I don't eat sweets.. mais.." I mocked.

" Coco baby..tell your momma to shut up and stop mocking me." Sabay sulyap kay coco na nasa lap ko.

" Bat ba ang sama ng umaga mo." Bulong bulong ko sabay pout.

Sa kalagitnaan ng pangungulit ko kay Ponyo ay biglang may tumawag sa phone ko.

Minamalas ka nga naman. (Pareng Caspian is calling) napangisi naman ako as I rolled my eyes to my phone.

"Who's that?" Tanong ni Ponyo na ngayon nakatingin na sakin habang nakataas ang noo at curious sa tumatawag.

"Akala ko ba hindi mo ko papansinin? Nagbago ata ang ihip ng hangin?" As I smirk confident na isasagot na sana ang tawag.

" Tsk." Irap nya sabay hablot ng phone ko mula sa kamay ko. "Pareng Caspian. Are you shy on calling him babe?"

" Selos ba Ponyo?" Mapangasar kong tanong sakanya. Ang mga galit nyang mga mata ay nakatuon na sakin.

" Seriously, do you want me to answer that question?"

"You don't have to, it's obvious." Pang aasar ko kahit na sa totoo ay halos himatayin na ako sa tibok ng puso ko.

Laking gulat ko naman ng patayin nya ang call ni Caspian na kinahalakhak ko. Naiimagine ko kasi ang mukha ng mokong na iyon ng babaan ni Ponyo si Caspian gamit ang number ko.

"Are you happy?" Sabay lapag nya sa harapan ko ang phone ko. Mas lalo pa akong tumawa dahil mukhang napabadtrip ko si Ponyo.

Tumayo na ako at alam ko naman na walang pagtutunguan ang uspaan namin at mas lalo ko lang itong iniinis.

My Beloved Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon