Kabanata 5

624 19 1
                                    

"Wala akong ganang makipag away sa'yo."

"Anong ginawa mo kanina?"

" Sya nga yung nauna! Mahirap ba akong paniwalaan? Ang mahirap kasi sayo nag jujudge ka bigla bigla at unfair ka! Aksidente lang ang nangyare, ok? Over acting lang yung bruhang yun."

"Stop calling her bruha, she has a name."

"Oh whatever man ang name nya and I'm not interested."

"I already say sorry to her. Kung ayaw mong maniwala sakin, magtanong ka sa mga tao na nakakita samin at panuorin mo na din ang CCTV. Don't be so unfair! Hindi porket girlfriend mo ung bruhang yun sya na agad kakampihan mo."

" Unfair? Don't put the topic on me."

"Oh whatever uuwi na ako. Kung gusto mo akong isumbong go ahead. Kung alam ko sanang andyan ka hindi na sana ako pumunta dito." Gusto ko man makawala sa kanya ay hindi nya ako bingyan ng chance dahil sa mahigpit na pagkakahawak nya sakin.

"I'm not yet done talking." Babala nito.

"Ano ba! Ikaw na nga yung hindi sumipot sa school kanina, ikaw pa yung ganang umattitude ng ganyan!"

"Marami akong ginagawa and don't be childish--"

" Please not now. Masakit pakiramdam ko. " Napaubo pa ako habang kinakausap sya

" Don't put your stupid tricks and excuses. " Galit nyang sabi sakin. Pero bigla nalang nyang dinampi ang kamay nya sa noo ko ng napansin nyang hindi ako ok.

"Mainit ka. A--"

Hindi ko na alam kung anong nangyare pa and everything went black. Nagising nalang ako ng nasa kwarto na ako.

Suddenly pumasok naman si mama na may dalang medicine at nang makita nya ako na gising ay sumilay ang kanyang mga ngiti sa labi.

"Gising na pala ang baby ko." Bungad ni mama at inabot nya na ang gamot sakin para inumin ko.

" You should thank Lucasio for bringing you here last night. Ano bang nangyare sayo? Nag aalala kami ng PaPa mo sayo."

" Sobrang pagod lang siguro sa school ma. " At uminom na ako ng tubig.

" Sge na. Mukhang ok na din naman. Mag ayos ka na at bumaba ka na doon dahil kanina pa naghihintay si Lucasio sayo. Magpasalamat ka na din sakanya." Sabay haplos ni mama sa buhok ko.

Pasalamat? Inaway away pa nga nya ako. Tsk. Manigas ka dyan tuta at bakit naman sya pupunta dito? Para ba isumbat lahat ng ginawa ko?

"Tyaka na ma. Gusto ko na munang magpahinga." Excuse ko kay mama at hindi na nya ako pinilit pa.

Bigla naman may kumatok sa pintuan at niluwal nito si Lorna na may dala-dalang prutas. Kinuha naman ito ni mama sakanya at bumeso na din.

"Wow. Para sakin ba yan?" Mapang asar kong tanong.

"Obvious ba? Para naman lumakas lakas yang katawan mo. Bakla ka dapat pala hindi kita iniwan, pinaguilty mo ako ng slight don ha." Irap pa ng gaga sakin na kinatawa ko nalang.

" Pasalamat ka talaga andyan si tita at nagpapahinga ka kung hindi kanina pa kita sinapak." Sabi ni gaga at tumawa naman si mama.

" Awtsss sorry ka, sumasang ayon sakin ang tadhana."

" Yan ang di sure." Sabay ngisi ng gaga. " Ah.. Tita. Nasa baba po pala si Lucasio." Sabi nya kay mama.

" Ah oo. Bat hindi mo pa sya niyaya na sumama sayo dito sa kwarto?" Si mama habang inaayos ung prutas na dala ni gaga.

" Actually po nasa labas po sya hinihintay po nyang papasukin po sya ni Kath. Bad kitty!" Mapang asar na tingin ni gaga at kinurot ko naman sya sa singit na kinasigaw nya sabay belat.

My Beloved Sandoval (Completed)Where stories live. Discover now