Kabanata 28

518 14 2
                                    

Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa Mcdo dahil doon gusto kumain ng anak ko for breakfast. Doon din ang pagkakataon namin para makapag kwentuhan tungkol sa pamamalagi namin sa Canada.

"Sobrang excited nga si Katana para sa pag uwi namin. Halos hindi nga makatulog." Kwento ko kila mama habang tinitignan ko ang anak kong kakwentuhan na si kuya.

"Inip na inip siguro sa Canada. Sya lang yung nag iisang bata sa bahay ng ninang mo." Sabi naman ni mama.

" Swerte ka sa anak mo matalino, mabait, magalang at maganda. May kinahihiligan ba sya ngayon?"

" So far singing and dancing yung nakikita ko. Let's see kung ano pa. Hindi ako masyadong tutok kay Katana kasi hati yung oras ko dahil sa trabaho ko Pa." Paliwanag ko.

" I want to meet the governor, Tito. He is amazing." Napalakas na sabi ng anak ko sa tiyo nito na kinabaling ko.

Agad akong nagkunot ng noo kay kuya at sinenyasan ito. "Katana." Suway ko sa anak ko.

"Mommy. I have a plan po. What if patulong po tayo kay Gov para po makasama na natin si daddy." Suggest ng anak ko.

Nagkatinginan naman kami nila mama sa sinabi ng anak ko.

" Si Governor busy sya lagi, Katana. Uuwi din si daddy someday." Sabi ni mama sa anak ko.

"But Tito Mafia told me that the Governor is mabait and can make time for me." Sabi ng anak ko.

" He can make time, Kath." Sabi naman ni Kuya kaya tinignan ko ito ng masama para tumigil na ito.

"Katana. Eat your food. Later nalang natin pag usapan si daddy." Utos ko sa anak ko habang hindi ko pa din tinatantanan ng tingin si kuya. Nag pout naman ito sakin habang sumunod sa utos ko.

"Kumain ka na dyan, Cole." Utos ni mama kay Kuya. Ipinagkawalang kibo ko nalang si kuya ay hindi ko na ito pinansin pa.

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami. Nakatulog na ang anak ko sa pagod. Haban

"Bukas libre ba sched mo?" Tanong ni Kuya sakin.

"Pupunta ako sa Clark para sa trabaho." Sagot ko.

"After ng trabaho mo dumiretso ka sa munisipyo."

" Why?"

" Simple. Tutulungan mo ako para sa renovation and construction ng school na pinapatayo ko para sa mga bata."

"Kuya, kung renovation ang hanap mo dapat architect yung kinukuha mo atyaka panigurado naman may engineer na nakatoka sa project nyo."

"Mas maganda ng double suggestion. I believe may mas knowledge ka when it comes to construction. Civil engineer ka and you are graduated in the expensive school of Canada."

" I'm busy kuya." Pasinghap kong sabi

" Bakit hindi mo samahan Kuya mo." Kumbinsi ni mama.

" Ichecheck mo lang naman yung ginawa. Hindi naman ikaw gagawa ng lahat." Singit ni PaPa.

" I'll check my schedule." Period kong sabi at binaling nalang ang atensyon kay mama habang ipinagpatuloy ang kwento ko ang mga bagay tungkol sa anak ko.

Pagkarating namin sa bahay ay hindi na namin ginising si Katana dahil mahimbing ang tulog nito. Binuhat nalang ni Kuya ang anak ko papunta sa kwarto ko. Habang tinulungan naman ako ni mama sa mga maleta ko.

Kahit na sobrang pagod ako ay inayos ko muna ang gamit naman ng anak ko para diretso na ang pagpapahinga ko. Nang maayos ko na ang lahat ay tinignan ko muna ang fb acc ko. Lahat ng mga kaibigan ko ay nag comment sa paguwi namin at nag yayaya na lumabas kami para sa pagbabalik ko.

My Beloved Sandoval (Completed)Where stories live. Discover now