Kabanata 32

527 16 0
                                    

Nag tinginan naman sakin ang mga kapwa ko engineer habang nakataas ang mga kilay nila sa naging sagot ko.

"Pass."

"May date?" Tanong nila sakin.

"Secret."

"Meron yan, maniwala kayo." Sarcastic na sabi ni Caspian habang nagheheadbang na kinatawa ko.

"Dahil meron kang ka-date at hindi po kayo makakasama samin. Sagot nyo na ang merienda, tutal naman matagal tagal na kayo hindi naglilibre, Engineer. Baka naman.." pagpaparinig ng isa kong team.

"Sge na.. Anong gusto nyo?" Tanong ko sakanila.

"Ikaw." Napatingin kaming lahat sa sinagot ni Gov. He was just looking at me seriously. Tila wala syang balak n bawiin o defend ang sinagot nya.

"Ikaw daw mag decide, Engineer." Sulpot naman ni Kaylee na kakadating lang at may dalang pagkain para samin.

Sinalubungan na sya ng mga katrabaho ko and they keep saying thank you kay kaylee. She smiled at them naman.

Kaylee bought us a 3 large pizza from SNR. Pinagsalo salo naman nila iyon. Napansin ko naman na may aparte syang dala para kay Gov.

Hindi ko na napansin na pinagmamasdan ko na pala sila, mabuti nalang at siniko nila ako para yayain kumain.

"Thank you, Ms. Kaylee. Da best ka talaga." Sabi ng ka team ko sakanya.

"Sge kain lang. Para sainyo talaga yan." Ngiti ni Kaylee. "Kain ka na din Engineer. Enjoy." At pekeng ngumiti ito sakin. Binigyan naman ako ni Caspian ng slice of pizza.

I want to rolled my eyes on her but I stopped myself from it. Lalo na may nakakakit samin. Sinabayan ko na din silang kumaain dahil medyo nagugutom din ako.

Sadyang malikot din ng mata ko dahil pilit nitong pinagmamasdan sila Kaylee at Gov. Pinagsisilbihan ni Kaylee si Gov at hanggang doon lang ng nakita ko dahil kinausap ako ng mga ka team ko about random things.

Palihim na nag order naman ako ng drinks from Starbucks para samin. Ililihim ko nalang sana ito ng tawagin ng grab driver ang pangalan ko para sa resibo at order pagkadating nya sa site.

"Woww. Sosyal! Thank you, Engineer. May pasabog ka pala." Sabi ng mga ka-team ko sakin. They didn't expect it.

Kaylee's mad eyes was on me now now. Nagtaas lang ako ng kilay sakanya at binaliwa ito. I didn't expect na pati ang ganito mga bagay ay hindi sya nagpapatalo at nakikipag kompitensyahan.

"Walwal na ba tayo?" Tanong ni Caspian sa mga kasama.

Suddenly my phone beep. Agad kong sinagot ang tawag ng makitang kay Roman ito galing.

" Hello?" Panimula ko.

" Susunduin kita ngayon dyan." Sabi ni Roman sakin. " Mommy. I'm excited to--" May sumabat na bata sa gitna ng paguusap nmin.

Nanlaki ang mata ko ng napagtantong boses ng anak ko iyon at hindi ako pwedeng magkamali.

" Shhhh. Quiet, baby. We will going to surprise your mommy." Bulong naman ni Roman sa anak ko. Humihigikgik naman ang anak ko sa kabilang linya.

"She probably know na po! It's not a secret anymore." Bibong sabi ng anak ko. "So.. HELLO MOMMY! WE WILLL PICK YOU UP PO!" My daughter happily shouts while singing those words.

Napapikit naman ako sa inis dahil pati talaga anak ko dinadamay nya pa. Mas lalo lang nya ata isisiwalat ang totoo. Alam naman nya na kasama ko ang tatay ng anak ko.

" O-sge. Hihintayin ko nalang kayo. Wag na kayo bababa." Bilin ko. Habang pinapakawalan ko ang buntong hininga ko. "And.. you are so done with me..." Bulong ko sa inis at tila narinig nya ako.

My Beloved Sandoval (Completed)Where stories live. Discover now