Kabanata 2

1K 21 0
                                    

Naglalakad na ako palapit kay Pa Pa at ramdam ko na sumusunod sakin si tuta sa likod ko.

"Ms. Villafuerte." Tawag ni tuta sakin sa likod. Pero hindi ko man lang ito hinarap dahil nais kong patunayan na may pride ako at nais kong patunayan sakanya na kaya kong harapin ang pagkakamali ko.

Pero bago pa ako makalapit kay Pa Pa ay hinila na ako ni tuta papalapit sakanya dahilan ng pagout off balance ko buti nalang ay nasapo nya ako.

"Happy Fiesta Magalang!" Sigaw ng lahat.

Kumakabog ng malakas ang aking dibdib ngayon hindi dahil kay tuta kung hindi dahil sa biglang pagsigaw ng mga tao na kinabigla ko.

Nagkatinginan kami ni Tuta habang hawak hawak nya ako sa bewang. His eyes are very passionate, his nose is in perfect shape beautifully and unique shape, his lips are red like a rose, and his muscles are hard as rocks.

Umiwas lang ako ng tingin ng napagtanto ko na medyo matagal at nagiging awkward na ang tinginan namin.

Baka mapagkamalan nya pa ako na may gusto ako sakanya. Wag syang assuming noh. Hindi ko kailanman magugustuhan ang isang tulad nya na parang tuta at sunudsunuran sa yapak ng kanyang ama dahil ang gusto ko ay lalaking may paninindigan. Sorry sya mukhang wala sya nun.

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa fireworks at ganun din ito. Habang nanonood kami sa mga makukulay na paputok sa langit ay bigla nalang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Roman kanina sa perya.

"kung sino man ang kasama kong manood ng fireworks sa kalangitan ay sya ang makakasama ko habang buhay, sakanya ko lang ibubuhos ang tapat na pagmamahal ko sakanya hanggang buhay at hanggang sa malagutan ako ng hininga."
.
.
.
"kung sino man ang kasama kong manood ng fireworks sa kalangitan ay sya ang makakasama ko habang buhay, sakanya ko lang ibubuhos ang tapat na pagmamahal ko sakanya hanggang buhay at hanggang sa malagutan ako ng hininga."

Habang sa matapos na ang fireworks display ay tanging yun lang ang naging laman ng utak ko.

"Andyan lang pala kayo." Nakangiting sabi Pa Pa saamin. Nasa amin na din nakatuon ng atensyon ng lahat.

Mukhang kami nalang talaga ang hinihintay nila. Nakatayo sa gilid ng kanilang magulang si Lorna at Roman na nakatingin sakin.

Huli na ang lahat ng napagtanto namin na hindi nya pa ako binibitawan at ganun pa din ang aming posisyon mag mula kanina dahilan ng pagbubulungan ng mga tao.

Chansing ka siz?

Agad akong lumayo sakanya at ganun din ito. Nakayukong lumapit nalang ako kila mama at Pa Pa.

Halos wala na din sa amin ang atensyon ng mga tao dahil nagpatuloy na ang pagpapatugtog ng banda.

"What did you do again? Nakakahiya!" Gigil na bulong ni mama sakin.

"Aikatherine?" Tawag ni papa sakin with I-owe-an-explanation look.

"Young boy. You also need to explain." Naka taas ang kilay ni Mayor Esquivel sa anak.

"Pati ikaw, Lorna. Hindi ka makakatakas." Dismayadong sabi ni Tito Michael kay Lorna.

Na huli ko naman na nakatingin sakin si Tuta at tila hinihintay nya akong mag salita. Inirapan ko naman ito baka akala nya hindi ko tutupadin ung mga sinabi ko.

"Sorry pa. Tu--" Hindi ko na natuloy pa yung pagpapaliwanag ko ng biglang nagsalita si tuta.

"Wala pong kasalanan si Aikatherine. Sa kagustuhan ko pong iexplore yung bayan nyo ay humingi po ako ng tulong sa anak nyo para samahan nya akong sa paglilibot." Pageexplain ni tuta kay Pa Pa.

My Beloved Sandoval (Completed)Where stories live. Discover now