Kabanata 9

524 14 0
                                    

"Boyfriend, really?" Irita nyang tanong.

"Eh ano naman sayo?" Tanong ko na kinagulantang nya.

"Who's that?" Diin nyang tanong.

"Si Roman. Kaibigan ko. Lahat nalang ba irereport mo kay papa?" Irita kong tanong.

" Probably he is courting you. He wont stop until he---."

"Alam mo. Shutaptap ka nalang. Hindi nya ako nililigawan, ok? At higit sa lahat kung ano man ang relasyon namin ni Roman, wala ka na doon at ano naman palang pake mo, di ba?"

He just massage his temple at tumingin sa malayo. Nilahad naman nya sa kamay ko ang black na facemask.

"Oh anong gagawin ko dito?" Sabay sa hawak kong facemask.

"Suotin mo habang papunta ka sa kotse, get Nala's gift and wear it."

" Ano?"

"I'll give you 10 mins para mag ayos. My secretary is waiting for you in my car and also your backups. They will help you to prepare."

I have no choice kung hindi pumunta sa sasakyan nya at sundin ang inuutos nya. Tama sya andun na nga ang secretary nya at naghihitay ito sakin habang nagbibihis na ang backups ko. Bagbukas ko sa kotse ay laking gulat ko na bumungad sakin ang duckling mascot.

Magiging dancing mascot ako? Really?

Tulad nga ng sinabi ni Ponyo ay tinulungan na nila ako sa pagbibihis. Medyo nahirapan lang kami dahil malaki at mabigat ang mascot.

Ang mga backups ko naman ay mukhang walang problema sa mascot nila. Siguro ay nasanay nalang sila kumpara ko na first time lang magsusuot ng mascot.

Humanda ka talaga sakin, Ponyo. Mukhang hindi naman ata makatarungan mga pinapagawa nya.

Bago kami pumunta sa loob ay sinabi sakin ang mga gagawin at nagpractice muna dim kami. Tinuruan nila ako sa mga dance steps at gagawin, mabuti nalang ay nakuha ko agad ito dahil madali lang naman.

Ang kagandahan lang sa mascot ay hindi ako mahihiyang makapagtwerk at komportable akong makakasayaw mamaya.

Maya maya ay sinensyasan na kami na maghanda na. Pagkabukas ng pintuan ay rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga bata sa excitement. Kumaway kaway kami sa mga bata habang papunta sa harap para pumunta sa mga posishon namin para sa dance number namin.

Nang tumugtog ang kanta namin na Tatlong bibe remix ay napaindak na namin ang mga tao, nakakatuwa dahil hindi lamang ang mga bata kung hindi ang lahat.

Todo budots naman ako ng nagsimula na ang kanta. Hindi ko na namalayan na nageenjoy na pala ako sa pagsasayaw lalo na todo bigay ako sa every beat at wala akong pinapalampas. Nakikita ko din na tuluyan ng napapaindak ang lahat na kinahype pa namin lalo sa pagsasayaw.

Nang tinutok na kung sino ang lider ay ako tong si pabibo pumunta sa harapan at confident na confident na sumayaw. Kumendeng kendeng naman kami sa mistulang props na nagsisilbing ilog namin.

Sa mismong remix naman ay todo twerk ako sa harapan na para bang matatanggal na ang pwet ko. Ramdam ko naman na nasa akin ang atensyon ng mga tao dahil todo turo at video ang mga ito.

Nahagip ko naman na tumatawa si Ponyo kasama ang kaibigan nya at dahil don at naisipan ko na gantihan ito. Sa second verse ng kanta ay kumekendeng at tinuturo ko si Ponyo habang pumupunta ako sa direksyon nya. Nagsigawan naman ang mga kaibigan nya habang tinutulak sya, umiling iling naman si Ponyo.

Dahil nais ko syang pahiyain ay nagtwerk ako sa harapan nya at nasagi ko pa ito dahil sa laki ng pwet ng mascot. Hinila ko na ito ng walang sabi sabi na kinasigawan ng mga kaibigan nya sa tuwa.

My Beloved Sandoval (Completed)Where stories live. Discover now