Kabanata 8

509 16 0
                                    

"Good afternoon ladies and gentlemen, this is a customer announcement if there is a Ponyo De Tokhang in the store could you please attend the customer service desk. Please. Thank you."

" Magandang hapon sa inyong lahat. Kung sino man pong nakakakilala sa vlogger na si Ponyo De Tokhang. Papuntahin nyo po sya sa costumer service dahil hinahanap po sya ng natokhang nyang si Ms. Katherine for his stupidity content. Thank you." Paguulit ng babae.

Nung una ay ayaw nya sa idea ko about sa pag paging kay Ponyo ngunit napilit ko din ito iyon nga lang pinaayos version ni Ate dahil masyado daw inappropriate yung gusto ko.

Ngiting ngiti akong naglakad patungo sa costumer service. Pero bago pa ako makapunta don ay sumulpot sa harap ko ang pamilyar na madilim na tingin ni Ponyo sa harapan ko.

"Why did you do that?" Baritonong tanong nya at mukhang nagmadali takaga syang pumunta dito.

"Kanina ka pa kasi wala. Alam mo ba kung ilang oras na ako naghihintay at naghahanap sayo, pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dito. Saan ka ba kasi galing?" Pagbubunganga ko.

"Ponyo De Tokhang, really?" Inis nyang tanong na kinatawa ko naman.

" Bakit? Papalag ka? Alam mo kung hindi lang sana nag likot yang pwet mo, edi sana hindi na kita pa-paging." Inis na sabi kong sagot sakanya.

" Why don't you just call me in your phone."

" Nakablock ka sakin and I didn't bring my phone."

" Why did you not bring it, then?" Irita nyang tanong.

" Baka mawala at ma snatch. Mahal pa kaya iyon kaysa sa buhay mo."

" Nakakahiya ang ginawa mo. Pati sa labas rinig na rinig, pati ba naman plate number ko at sinabi mo pa talaga na tinokhang kita."

"Oh bakit? Ok lang yan. You deserved all the kind of pagpapahiya. Remember may war tayo. Quits na tayo sa lahat ng mga utos mo." Sabay pangiinis na kindat sakanya.

"Mga kuya. Ok na po. Nahanap ko na po ang NAGTOKHANG sakin. Thank you po sa tulong nyo!" Sabay kaway sa 2 lalaki na tumulong sakin. Napatingin naman samin ang mga mamimili habang nakatingin sa nakapikit sa kahihiyan na si Ponyo.

"You are too loud. Nakakahiya." Naiirita nyang sabi sakin.

"Ha? Ano yun? Mahina ba? Saglit lakasan ko ulit ha." Pangaasar ko sa kanya. Bago pa ako magsalita ay tinakpan na nya ang bibig ko at tinaboy na papuntang counter.

Mas lalo akong naganahan na lecehehin sya, lalo na pinagbubulungan sya ng mga tao. Hindi ko alam kung about ba sa paging or dahil sa itsurang taglay nito.

"Dami mong fans oh. Kaway ka naman dyan lods." Pangleleche ko sakanya.

"Yeah. Thanks to you. I will never go here again." Pasinghap nyang sabi na kinahalakhak ko.

Natapos na din kami sa pagbabayad. Laking gulat at pasasalamat ko na naman na nasa labas sila Tiyo Rubs at Nath, mukhang inaabangan kami. Sinakay na sa company car ang mga grocery na pinamili ko.

Umuwi na din kami at sumabay na din ako sa company car pauwi. Buong byahe ay hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi dahil sa tuwing naaalala ko ang mga nangyare kanina ay hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Kinukutya naman ako nila Nath buong byahe ngunit ipinagkibit balikat ko nalang sila hanggang sa makarating na kami sa resort.

"Sge na. Kami nalang dyan. Tapos na din ang oras ng trabaho mo." Pagpigil ni Tiyo Rubs sakin sa pagtulong sakanila para ibaba at ayusin ang mga pinamili ko.

"Kami na dyan, Kath. Atyaka may klase ka pa diba?" Sulpot ni Bea at tumulong na din sa pagbaba.

"Thank you talaga. Pero sure ba kayong ok lang kayo dyan?"

My Beloved Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon