Kabanata 11

1.6K 20 0
                                    

Late na akong nagising dahil late sa nadin kaming nakarating ni Ponyo dito kagabi. Walang imik lang ito sa buong byahe at malakas ang kutob ko na misunderstanding ang lahat ng nangyare sakanila. Hindi ko na tinanong pa dahil obvious naman.

Bumaba na ako at nagtataka ng nakita ko ang mga dabarkads na nagkukumpol sa labas na para bang may meeting na nagaganap. Andun din si Mr. Crisostomo na may ari dito sa resort at farm. Nakikita ko na nagsusundutan at pulang pula din sa kilig ang mga babae.

Nagmadali at tumabi na ako kay Bea upang makahabol sa ano mang ibabalita ni Mr. Chris. Ngunit laking gulat ko ng makita kung sino ang nasa tabi ni Mr. Chris.

"Hi baby girl. Good Morning! Late na late ah." Nakashades at ngiting ngiti si Roman sakin.

" Roman! Bakit ka andito?"

"I texted you last night." Sabay pakita nya sa phone nya.

" But it is in Spanish language and how can I supposed to understand it?"

" Google translate." Sagot nya na irap ko naman. Nagtawanan naman ang mga dabarkads.

Umirap nalang ako sakanya.

"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni Amelia at ganun din ang mga mukha ng mga girls, gulat na gulat.

"Ofcourse they do know each other. Their fathers are both politicians." Si Mr. Chris.

Nagtataka at naguguluhan silang lahat sa sinabi ni Mr. Chris. Siguro ay hindi ko ata nasabi sakanila ng malinaw ang background ko.

Nahihiyang ngumiti ako sakanila habang sinisenyasan sila ng pagpapatawad. Tinignan ko naman si Roman na nagaalis ng shades.

"How are you? Miss me?" Tanong nya sakin. Sasagot na sana ako ng bigla nya akong hatakin papalapit sakanya upang mayakap nya ako.

Nakaramdam naman ako ng hiya sa ginawa nya dahil sa mismong harapan ng mga dabarkads nya ako niyakap. Nakakaamoy na ako ng mga panunukso nila sakin mamaya, sa tinginan palang nila ngayon ay marahil tutuksuin talaga nila ako.

"I miss you, baby."

"Di kita miss. Anong baby ka dyan. Mukha ba akong sanggol?" Bulong ko sabay kurot sa bewang nya ngunit bago ko ito nagawa ay nahuli nya na ang kamay ko at pinagsiklop nya ang kamay namin.

Ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko sa ginawa nya hindi dahil sa kilig kung hindi dahil sa hiya at inis.

" Lucas. Good Morning! Gising ka na pala." Masayang bati ni Mr. Chris sa likod namin. Agad naman kaming napatingin kay Ponyo at saglit na humiwalay sa pagkakayakap ni Roman sakin. Mabuti nalang at mukhang hindi na napansin ni Roman ang pagkakahiwalay ko sakanya dahil kay Ponyo.

Baka kasi akala nya malandi ako or baka issue nya ako. Amp!

Napukaw ko naman ang masungit na mga mata ni Ponyo sakin habang papalapit sya sa direksyon namin. Ngunit nabago lamang ito ng salubungin sya ni Mr. Chris.

Lumapit naman si Roman upang batiin si Ponyo. "Pare! Kumusta?" Si Roman sabay paglahad ng kamay kay Ponyo ngunit tinignan lamang nya ito habang sinusulyapan nya ako.

Saglit na katahimikan ang nangyare at mabuti nalang ay nagsalita si Mr. Chris.

"Mr Roman Esquivel will stay here in our resort. Kayo ng bahala sakanya give him a warm welcome. Be kind to him." Bilin ni Mr. Chris.

" I'm sure na mageenjoy ako dito, tito. Lalo na kasama ko yung babaeng nagpapasaya ng buhay ko." Sabay sulyap sa direksyon ko. Tinignan ko naman ang likod ko para tignan kung sino ang tinutukoy nito.

My Beloved Sandoval (Completed)Where stories live. Discover now