Simula

3.3K 55 1
                                    

August 24

"Happy Fiesta Magalang!" Masayang sigaw ng mga tao sa plaza. Maraming tao sa plaza ngayon at halos maging langgam sa dami ang mga tao dahil nagsisiksikan na ang mga ito.

Fiesta ngayon sa aming bayan, masaya, makulay ang paligid dahil sa mga bandiritas at mga poster na nakasabit sa mga poste at pader sa paligid. Masayang nagtatawanan at naglalakad ang mga tao kasama ang kani kanilang mga pamilya, kaibigan at ang mga mahal nila sa buhay. Takaw pansin din sa mga bata ang mga laruan na tinitinda malapit sa plaza at ang mga masasayang sakayan sa perya.

"Excuse me po, excuse me po.. Oopss sorry po." Pagbati ko sakanila habang nakikipagsiksikan sa mga tao.

"Maligayang fiesta, Kath!" Isa isa nilang bati at sabay kaway nila sakin habang dinadaanan ko sila.

"Maligayang Fiesta po sainyong lahat!" Sabay kaway sakanila habang binibigyan nila ako ng daan. Pero bago pa ako umapak sa entablado ay nakita na ako ni mama.

"Saan ka ba galing anak at bakit nakikipag siksikan ka sa mga tao?" Nag aalalang salubong ni mama sa akin at mukhang kanina nya pa ako hinahanap. Hinila na ako palayo ni mama sa mga tao.

"Senyora! Pasensya na po. Hindi pa po namin nahanap si Ms. Kath." Hinihingal na report ng bodyguard sa likod ni mama. Napatuwid naman ang bodyguard nung nakita nya na ako sa harapan ni mama.

"Aikatherine! Bakit mo na naman tinatakasan ang mga bodyguard mo." Nag pipigil na galit ni mama sakin.

"Sorry ma. Nagtinda kasi ako and guess what ma...naubos--- "

" At ikaw lang mag isa?" Masungit na tanong ni mama sakin at hindi nya na ako pinatapos man lang.

Mabilis akong umiling sa tanong nito. "Kasama ko si Lorna ma. Andun lang sya sa munisipyo at hinihintay nya ako doon." Sagot ko.

Nagbuntong hininga nalang si mama sakin at sinenyasan nya ang mga bodyguard na sundan ako kung kahit saan ako magpunta.

"Ma..." Malambing kong pigil kay mama.

"What? Don't tell me that I shouldn't worry about you. Remember Aika, your father is the mayor of Magalang." Mom looks so done with me now.

"Ma, alam ko. Wag kang mag alala kasama ko naman si Lorna."

" No. That's useless! Paano k--"

Here we go again.

" Ma.. no buts. Don't worry about me." Ngiting sabi ko sakanya at aalis na sana ako ng biglang hinigpitan ni mama ang pagkakahawak sa braso ko.

"Where the hell are you going, Aikatherine?" Naiimbyerna na si mama sakin.

" Ma stop calling me my whole name. Promise babalik ako ng buhay ma. Remember may muscles ako, hindi basta nagpapatalo." Sabay kindat kay mama. Pero mukhang hindi ko ito nakumbinsi.

" Aikatherine!"

"Ma.. promise babalik ako agad."

" Aikatherine!"

" Ma. Please...Promise saglit lang ako."

" Fine! Pero sa oras na hanapin ka ng Pa Pa mo sakin at sa oras na hindi ka pa dumating sa pagdating ng Governor Sandoval mamaya. Tandaan mo hinding hindi kita ipagtatakpan sa Pa Pa mo." Babala ni mama sakin.

Ngumiti nalang ako sakanya at tumango. I know mama hinding hindi nya ako matitiis. I kissed my mom's cheeks before I go.

Kahit papalayo ako ay rinig ko ang pagtawag sakin ni mama na ipinagkibit balikat ko nalang habang nakikipagsiksikan sa mga tao para takasan ang mga bodyguard na inassign ni mama para bantayan ako.

My Beloved Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon