Kabanata 18

444 13 0
                                    

The moment Gov see me. Agad nya na akong niyakap na kinagulat ko. Hindi naman makatingin si Mrs. Sandoval samin, si Ponyo naman blanko lang ang ekspresyon.

"Anak este Hija.. Kath. Masaya akong andito ka. Kumain na ba kayo?" Tanong ni Gov at bakas ang pag aalala nya samin.

" Ah opo. Kumain po kami ni Lucas sa may fishball-an. Kaso nga lang po agad po kami umalis, dinumog po kasi kami ng mga reporter, Gov. "

"Mom, are you ok?" Sabay lapit ni Ponyo sa kanyang ina. His mother just nod at umakyat na sa itaas.

Sinenyasan naman ni Gov ang mga maid para asikasuhin ako. "Sasamahan ka ng mga maid para makapagpahinga ka sa kwarto. Tawagin mo lang ako o yung mga maid kung may kailangan ka." Bilin ni Gov. Tahimik naman si Ponyo at nakayuko.

Umakayat na ako at pumunta na sa kwarto na inassign sakin ni Gov. Kahit anong higa ko ay hindi ako makatulog dahil sa kuryos ako sa bahay nila. Halos pang royal family na kasi ang mga kagamitan nila.

Dahil naiinip ako sa kwarto ko ay napagdesisyonan kong lumabas sa pintuan at umikot sa masyon nila. Wala naman sigurong masama.

Una kong napansin sa bahay nila ay ang mga paintings ng mga naging gobernador ng Pampanga sa angkan ng mga Sandoval. Walang duda na maganda ang pagpapatakbo sa Pampanga. Siguro kaya gusto sila ng mga tao dahil bukod sa mabait, marunong silang bumalanse. Namangha din ako sa family picture nila Ponyo.

All smiles with his kuya, mom, and dad. Definition ng masayang pamilya. Naputol lamang ang pagmamasid ko sa painting ng biglang sumulpot si Mrs. Sandoval.

"Magandang araw po." Kinakabahan kong bati.

"Do you even know kung bakit ka pinapunta dito ni Governor Max?"

" I have no idea, Madame." I politely answered.

"For you to leave my son alone."

"Po?"

"Alam mong simula noon ay hindi na maganda ang pakikitungo ko sayo. The way I look at you, gulo ang dala mo sa pamilya namin." Strikto at may galit sa mata ni Mrs. Sandoval ngunit mahinahon lang ito mag salita.

Sa binunyag ni Mrs. Sandoval ay gusto ko ng umiyak dahil sa takot ngunit nilabanan ko ito." Pasensya na po kung ganun po yung tingin nyo sakin."

" Bunga ka ng kasalanan kung ikaw nga ang....." pagpigil ni Mrs. Sandoval. "I'm very ashamed with your mother." tuloy nito atyaka na ito umalis.

Sa paguusap namin ni Mrs. Sandoval ay hindi ko maiwasan na hindi malungkot at mag isip sa sinambit ni Mrs. Sandoval. Wala naman ako naalala na ginawan ko sya ng masama, siguro nagalit sya kasi sa skandalong nangyare kanina.

Bumaba na ako dahil pinapatawag ako ng gobernador sa maid nya. Pagkababa ko sa sala nila ay si Gov lang ang naroon pati isang doctor na may mga dalang aparatus.

"Hija. Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Salubong ni Gov sakin at di pa ito mapakali ng makita ako. I just smiled at pinagmasdan ang mga kagamitan.

"Ano pong meron?"

"Ah. Hija. Gusto ko muna sana kausapin ka ng maayos tungkol sa gagawin namin sayo." Maayos na pakiusap ni Gov sakin.

Ngunit bago nya pa ituloy ang pag eexplain nya ay bigla nalang lumuwal sa pintuan si mama na galit na galit.

"Maximiliano!" Mama' voice thundered in the Mansion ng makita nya kami.

"Ma, bat andito ka?" Tanong ko sakanya ng lumapit ito sakin at yakapin ako.

"Nasaktan ka ba ha?" She asked with full concern with her eyes.

"She is ok, Ruth."

"Salamat sa pagwelcome sa anak ko pero hindi na kami magtatagal pa kailangan na naming umalis Gobernador Maximiliano Sandoval." Magalang ngunit nagmamadaling sabi ni mama na para bang may iniiwasan ito.

My Beloved Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon