Kabanata 1

1.5K 32 0
                                    

Pagkatapos namin samahang mamasyal sila Governor at Mayor sa Plaza at maging na din sa simbahan ng San Bartolome ay napagdesisyon na nila na magpahinga na muna.

Ngayon ay andito kami sa aming tahanan para kumain ng tanghalian at makapagpahinga na din sila.

Habang nasa hapagkainan kami as usual puro usapang politiko ang bukang bibig ng mga to. Tahimik at minsan nakikitawa nalang sakanila tuwing nagbibiro ang Mayor o ang Gov.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta naman sila Pa Pa at mga opisyal sa veranda habang naman si mama ay nililibot nya ang mga asawa ng opisyal sa aming bahay. Ang mga anak ng mga opisyal naman ay nasa labas at kami naman ni Lorna ay nakasandal sa salas nakatulala at kanina pa nababagot.

"There's 104 talks of political duration and here we are waiting along just to end it. So the annual problem for our bored-iation
Is finding a good way to make takas." Dahil sa pagkainip ay ginawang takas version ni Lorna ang theme song ng Phineas and ferb.

"Stop it. Give up! Kahit anong gawin mong parody song with takas version dyan. Hindi tayo makakatakas dito." Walang gana kong sabi sakanya habang nilalaro ung rubix cube.

"Like maybe...
Building an excuse
Or fighting the guards
Or climbing up in your gates." Patuloy pa din nito.

" Stop.. that's all useless Lorna. Try more." Pamumuysit ko sakanya sabay irap habang sya naman ay nakapout.

Saglit na tumahimik naman ito sa tabi ko at tila malayo layo ang pinagiisipan nito na sapalagay ko ay about sa pagbabalak naming tumakas.

Maya maya naman ay biglang naghugis 'o' ang bibig nito habang tumitingin sa kakapasok lang na si Roman kakwentuhan si Mr Puppy.

"Discovering something that does exsist! (Hey)
Or giving a try to Mr. Roman!" Maingay na patuloy nito habang tumitili dahilan ng pagpukaw ng atensyon nila Roman at pati na din si puppy.

"Lorna. Stop it. Your stupid plans are not going to happen." Bulong ko sakanya habang kinukurot ang tyan nito para manahimik.

"And who the hell told you that?!" Napalakas na sabi nya sakin. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Roman.

"Yes? I heard my name. May kailangan ba kayo sakin?" Ngiting ngiting tanong samin ni Roman.

" Ah.. wa--"

" Meron! Meron syang sasabihin sayo." Desperadang turo ni Lorna sakin. "Diba Kath?" Ngiting dimonyo tanong nya sakin.

Pasalamat ka talaga Lorna! Kung hindi kanina pa kita tinulak sa bangin leche ka.

" What's that? Let me guess, miss me baby girl?" Ngiting ngiting tanong ni Roman sakin na kinasingkit ko ng mata sakanya habang si Lorna naman lecheng parang kinikilig at tinutulak ako.

Si puppy naman nakataas ang kilay at naguguluhan sa mga nangyayari.

"Sge na nga. Aalis muna kami ni Lucasio para makasagot ka sa tanong ni Roman sayo."

Bago pa ako makapag reklamo ay dali dali nya ng hinila si puppy palayo. Mukhang hindi ito kumbinsidong umalis pero wala na itong nagawa dahil sa pangungulit ni Lorna.

Tahimik naman kaming naiwan dito ni Roman. I actually don't know how to start a conversation with him buti nalang ay sya na ang nagbasag ng katahimikan sa pagitan namin.

"May kailangan ka baby girl?" Tanong nya sakin at halatang inaasar ako nito sa tono palang ng pananalita nito.

" Baby girl ka dyan." Sabay irap ko sakanya. Sumilay naman ang ngisi sa kanyang labi habang tinititigan ako. Umupo na man ito sa upuan na nasa harapan ko.

My Beloved Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon