Kabanata 13

674 16 1
                                    

Nasa resort na kami at halos magdidilim na din ng makauwi kami.

"Send ko nalang sayo mga pics, Ponyo. Kapalit nun is sesend mo din sakin yung mga pictures natin together sa sky ranch. Deal?"

" I'll think about it." Pang iinis nya at tinignan ko naman ito ng masama na kinatawa naman nya.

"Kukulitin kita sa email." Sabay baba ko sa sasakyan nya.

" Gaga!!! Andyan ka na pala!" Sigaw ni gaga sabay yakap nya sakin. Kumaway naman sya ng makita nya sa Ponyo.

"Tara na. Sumama ka na sakin." Bulong ni Gaga sakin sabay hila nya sa kamay ko. Sinensyasan ko naman si Ponyo para hindi ako magmukhang bastos.

"Kath." Tawag ni Ponyo na nagpahinto sakin. Habang si gaga ay patuloy lang sa paghihila sakin.

Halos magwala na ang mga paruparu sa loob ng tyan ko dahil pag bigkas nya ang pangalan ko ng walang sama ng loob.

"Next time?" Tanong nya.

I nodded. "Next time."

"Goodnight." He smiled.

"Goodnight." I smiled at nagpatanod na kay Gaga.

Masaya at atat akong hinihila ni gaga ngayon. Tinatanong ko sya kung anong ganap ngunit hindi nya ako sinasagot.

"Para sa future mo to." Sabi ni Gaga sakin sa kalagitnaan ng paghihila nya sakin. Laking gulat ko nalang ng nasa tapat na kami ng pintuan ni Ponyo.

Bago pa ako makapagsalita ay tinulak na nya ako papasok sa kwarto ni Roman. Muntik na akong masubsob sa ginawa nya buti nalang ay nasalo ako ni Roman na bihis na bihis.

Ngayon ko lang din napansin na naka dim ang lights nya at may nakakalat na petals sa sahig.

"Anong ganap? Pormang porma ha." Tanong ko kay Roman na nakatux sa harapan ko habang pinagmamasdan ang ayos ng kwarto nito.

He just smiled. Nilahad nya ang kamay nya sakin at inassist ako papunta sa pang dalawahang upuan malapit sa bed nya. Puno ito ng petals at mga kandila.

"Wait.. anong pakulo to? Hala anong meron." Tanong ko ng inabot nya sakin ang isang bouquet of roses sakin.

Pinaupo naman nya ako sa upuan atyaka sya umupo sa harapan ko. Nakangiti at nakatitig lamang ito sakin habang ako ay iniwas ko ang aking tingin sakanya dahil hindi ako komportable sa kilos nya.

"Sorry. Ang cute mo kasing tignan." Sabi nya sabay inom ng wine nya.

"Wews. Ano bang ganap, Mayor?" Pabiro kong tanong.

"Soon, I'll be a Mayor."

"Support! Wag mo kong kakalimutan kung makamit mo man yung pangarap mo."

"You are one of my dreams." Siryoso nyang sabi. I know joke lang naman yung sinasabi nya pero I suddenly feel uncomfortable.

" Dapat lang! Ikaw yung magiging ninong ng anak ko. Alam mo na tuwing pasko. Char! " Biro ko ngunit patuloy lang ito sa pagseseryoso.

" Ayoko." Naka crossed arm nyang sabi.

" Ang sama mo naman." My lips twisted as I gazed my eyes on him.

" I want to be the father of our children."

" Ewan ko sayo." Yan nalang ang nasabi ko sa sobrang awkward ng paligid namin.

"Ganda ng bulaklak." Pag iibang topic ko.

"Like you."

Tumawa nalang ako para maibsan ang ilang ko sakanya. "Uy! Mag siryoso ka na nga."

Ngumiti naman ito at bumalik sa sariling ulirat. "Maganda ba yung decorations?" He asked.

My Beloved Sandoval (Completed)Where stories live. Discover now