Chapter 15

55 41 13
                                    

Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon. Parang tumigil ang mundo ko sa sariling salita na binitawan ko. Matapos ng salitang iyon ay nagkatitigan kaming dalawa.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posidyon. Nang nakita ko ang unti unting pagkunot ng kaniyang noo. In that time lang ako natauhan. Tumayo ako ng tuwid at kunwaring inayos ang damit.

"Ah... A-ano?.." Sambit ko na hindi sa kaniya makatingin ng maayos.

"Please eyes on the road Alma. Nasa kalsada na tayo. The cars and busses are fast. Nagugulat ako sa diretso mong paglalakad."

Walang inis o kung anoman na mababakas sa kaniyang boses. Purong pormal lamang iyon.

Napatingin ako sa aking harapan. Hindi ko namalayan na malayo na pala ang tinatahak naming daan. I'm so preoccupied on my fool dream. Na muntik pa akong magtutuloy sa kalsada.

Nako naman Alma Ria!

Lutang na naman?

Ayan dream dream pa kasi. Aish sana lang ay nagkakatotoo eh 'no?

"By the way... I heard what you say." Mababasa ang pormal at

Kumalabog ang puso ko.

Natigilan ako at hindi malaman kung saan ibabaling ang paningin.

Nakurot ko ang sarili kong kamaya dahil sa pagkataranta ng aking sistema."Bakit ba kasi nasabi ko 'yon?"naiinis kong bulong sa sarili.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ahmm.. ano.."sinulyapan ko siyang sandali at naabutan ko lamang na pormal parin ang kaniyang expression. Saka ko inilihis ang aking paningin.

"Siguro... Umuwi na tayo?"pagdadahilan ko.

"Are you serious in what you said a while ago?"

Napapikit akong sandali. Shit naman!bakit ba hindi siya maka get over doon. Puwede niya namang baliwalaan nalang 'yon. Aish!

"Ahmm.. sabi ko nga ipagpatuloy na natin ang paglalakad. Mukhang maganda sa part na 'yon oh!" I faced the road and start to walk again.

Bahala siya,susunod naman siguro siya sa akin. Kabado akong naglalakad sa kalsada kung saan ay mayroong iilan na sasakyan.

Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ulit ang presensya niya. Hindi niya ako matitiis na iwanan sa ganitong lugar. Delikado na ang maglakad ng ganitong gabi lalo na at babae lamang ako.

Pinagsalikop ko ang aking kamay at sandali akong napalunok. Hindi ko alam kung paano muling bubuksan ang usapan sa aming pagitan.

"Ay shit!"

Naramdaman ko agad ang pagdausdos ng kaniyang kamay sa aking braso at likod. Sa kamalasmalasan nga naman ng buhay ko ay natapilok pa ako.

Naamoy ko ngayon ang pabango niya dahil sa pagkakadikit naming dalawa. Hindi ko akalain na ganito siya kabango! Shit! Amoy mayaman talaga eh.

Bahagya niyang iginalaw ang kamay niya tanda na dapat na akong umayos. Umayos na ako sa pagkakatayo kahit na parang labag sa loob ko ang paghihiwalay ng aming katawan.

Shocks naman alma! Bakit ka ba nagiging ganiyan.

"Tumingin ka ng maayos sa dinaraanan mo." Kaswal niyang sabi.

I bit my lower lip and turn my gazed on the other side. Nahihiya ako ng sobra sa kaniya! Napakarami ko namang katangahan na nagawa ngayon!nakakainis ah!

"Magdahan dahan ka nga sa paglalakad mo." Naiinis niyang sabi. Nahalata ko ang kaunti niyang paghingal. Saka ko lamang din naramdaman ang paghihingal ko.

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now