Chapter 9

57 58 7
                                    

Malungkot ako na naglalakad mag isa papasok ng gate ng school namin. Nakahawak ako sa handle ng backpack ko. Habang malalim na nag-iisip at nagfa-flashback ng mga nangyayari sa buhay ko.

This is me when I want to keep something,when I don't want to share my problems to anyone and when I know that there's no for me.

"Pumila kayo ng maayos. Malalaki na kayo-oh ikaw totoy nasan ang ID mo?"bumibida na naman ang guard namin sa gate.

"Naku nakalimutan ko kuya."

"Anong nakalimutan? Pagdating talaga sa gamit sa eskwelahan ang dali niyong kalimutan, pero pagdating sa mga crush niyong wala namang pake sa inyo ultimo pangalan ng nanay alam niyo. Kayo talagang mga bata kayo."

Napaawang ang labi ko. Gusto kong matawa sa narinig kaso baka bigla akong pauwiin ng 'di oras nito ni manong guard.

"Balikan mo muna 'yan totoy. Kailangan ng seguridad dito sa paaralan at naghihigpit ang principal."

"Hala kuya hindi ko po mababalikan. Malayo po ang bahay ko."

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni manong guard.

"Ang gagaling niyo talaga 'no?kapag talaga bagay sa school 'di niyo mabalikan. Pero yung ex niyong nagparamdam lang gusto mo na agad takbuhin at balikan."

Narinig kong mahinang nagtawanan ang mga estudyanteng narito sa pila. Kahit ako ay natatawa rin pero pinipigilan ko at kinakagat ang labi ko. Ayaw kong pagalitan 'no.

"Oh siya pumasok kana."

Nang umandar ulit ang pila ay nakapasok na ako sa loob. Inalis ko ang hawak ko sa handle ng bag ko.
Inayos ko ang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Ngunit bigla na lamang akong napahinto.

Nasaharapan ko si Carlo at naglalakad.Hindi ko tiyak kung nasa akin ang mga mata niya,pero ayaw ko ng umasa pa.

Napangiti ako ng mapait at inayos ang lakad ko. Iniiwas ko ang paningin ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang nagkalapit na kami ay tila hindi na ako makahinga. Pero handa na akong lagpasan siya.

"Huy Ria!" Hinawakan niya ang braso ko.

"A-ay uy hello.." awkward kong tugon sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay sumulyap na ako sa mukha niya. Nakangiti ang mga labi niya.
Sa puntong iyon ay parang lumukso ang damdamin ko.

"Ahmm.. bakit?"pagdurogtong ko sa aking pagbati.

"Ahm.." napakamot siya sa ulo niya. "Ano kasi.." napaiwas siya ng tingin.

Anong nasa utak ng isang 'to? Bakit hindi siya makapagsalita?

Humarap siya ulit sa akin. "Ano.. gusto ko lang itanong sana. Kung nasaan si..." Napatingin siya sa aking likuran. "Ay wala pala. Sorry sorry. Sige pasok ka na. Pasensya na Ria naabala ko pa paglakad mo."

Napatango na lamang ako kasabay ng paglakad niya paalis.

I'm curious if who is the one he asking for. But I think i knew it already. Pinipigilan ko ang sarili ko na tumingin sa aking likuran, that's why nagpatuloy ako sa paglalakad.

Pero sa pagkakataon na ako ay lumiko na ay hindi ko na napigilang sumulyap sa gawing iyon.

Tila lumaylay ang balikat ko. I don't if my friend betraying me. I don't want to think that she is. Pero nasasaktan ako.

Sabay na naglalakad si ginger na kaibigan ko... At si carlo na siyang nagugustuhan ko. Hindi ko alam kung bakit pati sarili ko ay sinasaktan ko sa pagbuo ng mga salita sa isipan ko.

Road Of Our SoulsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt