Chapter 5

76 76 3
                                    

"guys hindi pa nakukuhaan ng sukat yung ibang girls!sino puwedeng kumuha ng sukat?"

"Ikaw Ria ayos lang sa- Ah glen! Ikaw na ang kumuha ng sukat."

"Ah okay linlin! Wait lang."

"Salamat!"

"Ria?"

"Hoy Ria?"

"HOY!RIA!"

"Ay bwisit! Ano ba 'yan bakit ka naman nasigaw linlin?"

Natawa siya at tumabi sa kinauupuan ko sa sahig. "Sorry 'di ko sadya. Promise."

"Ewan ko sa'yo." Binalikan ko ang tinatahi ko at sinimulan ulit iyon.

"Alam mo ilang oras kana ata natutulala Ria. Anong nangyayari sa'yo?"

"Huh?wala naman. 'di naman ako tulala ah. Nag tatahi na nga ako oh."

"Haynako"nakita ko na nag cross arms siya. "Sige denai pa Ria."

"Wala lang nga 'yon." Tinuloy ko ng ilang segundo ang pananahi saka inilipat ang paningin sa gawi ng mga sasayaw.

Nakita ko si Carlo na kakaupo lang galing sa sayaw. Kanina parin kasi sila nagpapractice. Kumuha siya ng tubig galing sa bag niya. Binuksan niya iyon at ininom. Kainis bakit pati sa pag inom niya ng tubig nahuhumaling ako ah!

"Hoy 'te nainom palang 'yan ng tubig ah. Baka mangisay ka kapag wala na 'yang damit."

Napasulyap ako kay linlin na nakamasid pala sa akin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako. Pero napaikot ang mata ko.

"Ay hala! Oh my gosh marunong ka palang magtaray Ria."

"Bwisit! 'di naman ako as sobrang bait 'no."

"Feel ko nga. My gosh! Ka talaga." Natawa pa siya. "Pero why naman kanina mo pasinusulyapan si Carlo?"

Napatigil ako sandali. "Huh?hindi na-naman ah!"

"Anong hindi! Kakaloka ka ah. Huli ka na huwag kang magdahilan."

"Ewan ko nga sa'yo. Kung ano ano nakikita mo." Hinarap ko naulit ang tela at itinuloy ang pagtatahi.

"Siguro..."nandito na naman siya sa harapan ko. "Siguro may gusto ka sa kaniya 'no?"

Sabi ko na eh. Wala atang sikreto na hindi nabubuking,lalo na sa akin. Nakakainis naman!

"Bahala ka kung ano isipin mo." Palusot ko na lang. Please namN linlin huwag kana ma curious please.

"Sige,iisipin ko na lang na may gusto ka sa kaniya. Kasi 'yon naman ang totoo." Napabungisngis siya.

Napaikot ang mata ko. Nakita kong kinuha niya ang tela na nasa gilid ko at nanahi na rin.

"Eh kaso...nga pala?"

Napaangat ulit ang paningin ko sa kaniya. "Ano 'yun?" Magkatinginan na kaming dalawa tmhabang hawak ang aming mga tinatahi.

Para kaming mananahi na tsismosa sa itsura namin ngayon, kung titignan.

"Eh kasi 'di ba bestfriend mo si ginger? So it means na alam niya rin 'to?"

Napababa ang tingin ko sa tela.

"Eh bakit parang ang dalas niya kasama si carlo kapag practice?"

Napatikom sandali ang bibig ko. "Hindi ko rin alam..." Itinuloy ko ang pagtatahi.

"Eh ayun oh. Tignan mo." Napatingin muna ako kay linlin bago ay sinundan ang nginunguso niya.

Si carlo na nasa puwesto niya pa rin kanina. Pero ngayon ay nasa tabi niya si Ginger. Inabutan ni Carlo si ginger ng tubig.

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now