Chapter 19

105 16 0
                                    

Day passes by smoothly, ilang araw muli ang lumipas na hindi kami nagkakasalubong o nagkikita ni siegfried. I'm just ashamed by my attitude on that they, when the day that I argue with him.

Hindi ko rin alam kung paanong lumabas ang mga ganoong question at salita sa akin. Mismong ako ay nadadala ng emosyon ko, at alam kong delikado ito.

Actually napapansin ko lang na sa tuwing nagkakaroon kami ng ganoong usapan ay kinabukasan hindi kami pagtatagpuin. Ewan ko ba mismong ako rin kasi ayaw ko siyang makita dahil sa kahihiyan. Bigla na lang ako kinakain ng salita ko.

I shrugged my shoulders by that thought. Saka nagpatuloy na lang sa pagsusulat ng notes habang nagtuturo ang aming guro sa harapan.

Hay nako Alma lumilipad na naman ang utak mo.

"Ria!"

Natigilan ako sa paglabas ng aming silid-aralan ng may tumawag sa akin.

Pagkaharap ko ay kumunot ang noo ko. "Oh bakit?"

"May kasabay ka ba pauwi?" Tanong sa akin ni Hanah.

"Wala. Pero hindi pa kasi ako uuwi. Dadaan pa ako ng library manghihirap ako ng libro Gen. Math. Alam mo naman napagalitan ako ni sir kanina 'di ba?"

"Gaga ka kasi. Ang lalim ng mga pinag-iisip mo kanina. Alam mo namang napakahigpit ng gurang na teacher na 'yon."

Napatawa ako sa narinig at saka siya sinaway. "Hoy manahimik ka baka sumulpot 'yon bigla."

Napatawa na rin siya.

"Ano ba kasing iniisip mo kanina?parang napakalalim ng pinagdadaanan mo girl. Ayan tuloy napansin ka ni sir. Gaga ka 'di ka naman no'n madalas mapagalitan ah?"

Napakamot ako sa gilid ng leeg ko. "Eh basta. Nakakatulala naman kasi talaga yung lesson niya eh!"

Tinarayan niya ako bago siya tumawa. "Totoo naman kaya lang dapat 'di ka nagpahalata. Gaga ka talaga!"

"Gaga ka rin!" Pagganti ko na nagpatawa sa kaniya.

"Oh s'ya. Ano sabay ba tayo?" Pag-uulit niya sa tanong kanina.

"Ikaw ang bahala. Kung sasama ka sa'kin sa library eh di sabay na tayo. Basta libre mo 'ko pamasahe ah?"sinangga ko ang braso niya.

Napairap siya sa akin. "Ang galing mo 'no? 'di mo pa nga ako nalilibre eh sabi mo nung nakaraan ililibre mo ako." Hinila niya ng kaunti ang ilang hibla ng buhok ko.

Napanguso ako. "Oo na nga mahadera ka talaga. Ililibre kita ng fishball basta ililibre mo 'ko ng pamasahe."

"Tse! Ang galing mo talaga eh 'no? Eh di parang gano'n din 'yon. Sana bumili ka na lang ng sarili mong fishball at namasahe mag-isa."

Napairap ako."eh bakit ba? Ang dami namang kaartihan nito oh. Huwag ka na nga lang sumabay!"

Binatukan niya ako na nagpangiwi sa akin. "Oo na sasabay na ako. Nagtatalo pa tayo eh. Tara na nga!"

Inunahan pa ako maglakad ng bruha. She is hanah, kaklase ko ngayong first year ko sa senior high. Hindi ko akalain na all this time magkakaroon pa ako ng trust sa ibang tao. Akala ko hindi na ako magkakaroon ulit ng kaibigan. Pero ganoon talaga, may mga taong mabait mayroon din namang masungit.

Iba iba talaga mga pag-uugali ng tao kailangan lang na piliin mo kung sino yung dapat pagkatiwalaan. O 'di kaya pigilan mo na magbigay ng sobra sobra na tiwala sa iba.

Na realize ko lang na dapat kong mas pagkatiwalaan ang sarili ko,higit pa sa kanino man.

"Aabutin ba tayo ng ilang oras dito?" Tanong ni hanah pagkakuha namin mg libro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now