Chapter 7

78 68 1
                                    

"oh nak,kaya mo na 'yan. Huwag tatanga tanga sa daan ah. Sumabay ka sa tao kapag tatawid."

Tumango ako kay mama na nasa labas ng pintuan namin. "Okay ma."

Tumango sa akin si mama at kinuha ang wallet niya. "oh baon mo nak." Kinuha ko ang perang nakalahad sa kamay ni mama.

"Sige ma, alis na ako. Ba-bye!"pagkatapos ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

Binuksan ko ang pitaka ko at ipinasok doon ang isang bente at sampung piso. Thirty pesos ang baon ko palagi,kasama na doon ang pamasahe ko.

Noon ay madalas akong magreklamo. Pero kalaunan ay nasanay narin ako.

Wala naman kasi akong magagawa. Iyon ang nakayanan ng magulang ko kaya dapat ay ipagpasalamat ko pa iyon.

Sa susunod na lang siguro ako maghahangad kapag kaya ko ng tumayo sa sarili ko lamang.

Naglalakad ako sa gate ng school namin ng nakita ko sa harapan ang bag ni linlin. Tumakbo ako para maabutan siya.

"Bakit ba ang bilis bilis maglakad nito."naibulong ko sa sarili ko.

Tumigil ako sandali ng malapit na ako sa kaniya. Saka tumakbo ng nakabawi ng kaunting lakas.

"Hoy linlin!" Umakbay ako sa bag niya. Hinihingal ako kaya kailangan ko ng suporta.

Tumingin siya sa akin."Oh ang aga mo ah?"

"Siyempre ako pa ba?" Nag peace sign pa ako sa harapan niya.

"Baliw!"

Tumawa ako sa huli niyang sinabi saka kami sabay na naglakad. Katulad ng dati ay kahit pa mayroon kaming nakakasalubong na mga kakilala namin ay dinadaanan lamang kami.

"Napaka snobber talaga ng mga tao ano?"

Napangisi ako kay linlin. "Sinabi mo pa. Masasanay na lang nga ako eh."

"True. Hayaan mo na. Hindi naman tayo belong sa mga..." Tumingin siya sa akin. "Alam mo na?" Nagkibit balikat na lamang ako.

Sa labas ng room ay nakikita ko na ang mga busy naming kaklase. Dahil doon ay may bigla akong naalala. Hinawakan ko agad sa braso si linlin para kuhanin ang atensyon niya.

"Oo nga pala. Anong nangyari sa contest kahapon?nanalo ba?"

Kumunot ang noo niya. "Ay hindi ka ba nag online girl?" Agad akong umiling.

"Oo panalo tayo!"ngumiti siya sa akin. "Kaya kasali pa sila sa isang round para sa championship."

Agad na natuwa ang kalooban ko. "Wow ang galing naman!"

Tumango siya sa akin. "Oh kaya tara na tulungan natin sila sa pag aayos."

Tumango ako at pumasokna kami sa room. Bumungad sa aminang mga nakatayo naming kaklase, mga upuan nakakalat, at ang ingay ng mga bunganga nila.

"Grabe palengke na naman tayo ah?"

Narinig ko na lang ang tawa ni linlin sa akin bago ay nilapag ko na sa kabilang puwesto ang bag ko.

Nilibot ko ang paningin at nag hanap ng maaring maitulong. Pero bigla ko na lang nakita si Carlo na palapit sa gawi ko.

"Gosh! Ano na naman ba 'to?" Napatingin ako sa labas ng bintana saka nagpanggap na may ginagawa.

Naramdaman ko na ang paglapit niya. Ang assumera ko dahil lumagpas siya sa mismong kinaroroonan ko.

Saglit akong natigilan at napakagat sa labi ko. Pasimple ko siyang sinulyapan. Naroon siya sa bahaging likuran ko... At nakaharap sa salamin!

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now