Chapter 3

87 82 3
                                    

"ito, anong gagawin sa mga diyaryo na 'to?" Tanong niya habang naka indian sit sa harapan ko.

Kanina ko pa tinitignan ang pigyura niya sa harapan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas. Parang lumulutang sa langit ang isip ko.

This is not the first time that I'm near to him. Hindi rin ito ang unang beses na nasa harapan ko siya. Pero mas hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin sa tuwing ang lapit lapit niya.

"Hey Ria? Are you there?" Natatawa niyang ikinaway sa akin ang kaniyang palad.

"Ay sorry!" Sa pagkakabigla ay napataas ang tono ng boses ko. "I mean, ahm.. sorry."

He laughed again."okay lang 'no ka ba. By the way para saan ang diyaryo na 'to?"

I shake my head a little para bumalik ang ulirat ko. Please naman Ria! Umayos ka ah.

Hinawakan ko ang mga diyaryo. "Hmm.. ano ba sa tangin mo na puwede na idagdag pang design dito?"

"Hindi ko alam eh."

Napasimangot ako sa harapan niya. Nakita niya ang reaction ko kaya natawa siya. Mas lalo tuloy akong napasimangot.

"Sorry 'di naman kasi ako mahilig sa arts eh. Napilitan lang talaga ako gumawa dito."

Napaawang ang labi ko. "Ah so you are pointing na labag 'to sa loob mo? Edi sana hinayaan mo na lang na ako mag isa ang gumawa nito."

Hinawakan ko ulit ang mga diyaryo at nag isip kung ano ba ang puwedeng gawin dito.

"Hala, nagtampo agad siya oh? Sorry naman. Hindi naman 'yon yung ibig kong sabihin eh."

Tumango na lang ako.

"Nako galit ka talaga? Grabe nakakagulat ah. Nagagalit ka pala?"

"Edi shing! Loko 'di naman ako galit ah?" Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Ah akala ko galit ka eh."

Akala mo lang 'yon. Ang tawag do'n pabebe moves hindi galit BOANG.

"Eh 'yaan mo na nga. Change topic!" Natawa siya sa sinabi ko at tumango rin naman.

Hinarap ko sa kaniya ang mga diyaryo. "I think it's ok naman kung i-roll na lang natin 'to."

"Okay?"

"Tapos idikit na lang natin dito" kinuha ko ang box.

"Sige, agree." Nag thumbs up pa siya sa 'kin na may weirdo na ngiti.

Nako naman crush huwag ka namang ganyan!

"Okay simulan mo na." Ibinibigay ko sa kaniya ang news papers. Saka ko hinarap ang kailangan kong idikit.

"Ahmm.. Ria?"

Napatingin ako kay Carlo. "Oh bakit?"nakita ko na hindi pa rin siya nagsisimulang mag roll ng news papers.

"Ah hindi ko alam kung paano gagawin?"

"Huh?madali lang 'yan."

"Eh hindi nga ako marunong."sumimangot siya.

Jusko naman!

Okay Ria kalma ka lang ah?

"O-okay sige ituturo ko." I get one piece of news papers and place it in front of me and him. Then pinasadahan ko 'yon ng kamay ko upang mag straight.

"I-gaganito mo lang siya." I start rolling the paper from the one corner. Yung may pa V shape. "Tapos lagyan mo ng glue 'yung dulo. Kaunti lang dapat." I get the glue saka ako naglagay ng kaunti para ma-close yung rolled paper.

"Tapos ayan na siya. Done!" Iniharap ko iyon sa kaniya.

Nakatingin lang siya sa akin saka ngumuso.

What the!

"Hoy gets mo?ang dali dali lang niyan. Sige na gawin mo na. Tapos na break time oh 'di parin tayo napasok sa loob."

Napatingin ako sa pintuan namin na nakabukas at may mga nag se-selfie pa sa harapan ng corridor. Natatapatan kasi ng sinag ng araw kaya maganda ang view nila do'n.

"Hashtag Sun Kiss."naibulong ko sa sarili ko.

Edi kayo na may magandang cellphone. Napasimangot ako.

"Okay lang naman 'yan. Narinig ko kay Edgar kanina 'di daw dadating si Ma'am."

Huh?na naman? Ano 'to section ng 'di pinasukan ng teacher?

Hay bahala na nga at maganda na rin 'yon. Para matapos na namin 'to at maipasa mamayang hapon.

"Oh kaya nga. Kaya nga mag roll ka na diyan. Para matapos na natin,tapos ipasa natin mamayang hapon."

"Eh hindi nga ako marunong!"

"Tinuro ko na sa'yo ah?"

"Eh mali naman turo mo eh."

"Huh? Hakdog ka ba? Anong mali do'n?"

"Dapat kasi hawakan mo 'yung kamay ko tapos i guide mo 'ko."

Nanlaki ang mata ko habang naririnig ang pagtawa niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa simpleng sinabi niya.

"A-alam mo! Na-nakakabwisit ka!"naibato ko sa kaniya ang glue na hawak ko.

Napalakas ang pagtawa niya. "Joke lang naman. Napaka seryoso mo kasi Ria. Para akong multo sa harapan mo eh."

Napaawang ang labi ko. Sabi ko nga napapansin niya rin 'yon.

"Oh s'ya! Gawin mo na nga kasi 'yan. Napaka kulit mo Carlo ah."

"Sorry naman po. Ito na nga boss gagawa na boss."

Napakagat ako sa labi ko upang pigilan ang pag ngiti. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Ilang beses na rin naman siyang nakipag biruan sa akin. Kaya nga nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Pero ang pakiramdam ko ay lagi siyang kakaiba sa akin.

Napaka friendly niyang tao like me. Pero hindi malakas ang loob ko na mag open ng topic at makipag biruan palagi. Kapag seryoso,seryoso lang. Kapag biruan, nakikisabay ako pero hindi sobra. Kaya alam ko sa sarili konna boring akong kasama.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na kami.

"Carlo paabot nga 'nong nasa gilid mo, na medyo maliit na ni-roll na papel."

"Ito oh."

"Thanks."

Hinawakan ko ang glue gun at pinindot iyon upang malagyan ng kaunti ang papel at maidikit ko sa box. Matigas ang pindutan kaya medyo nagagalaw ko ito.

"Bakit ba ang tigas ni- Ouch!" Napabitaw ako sa glue gun at napabaling sa daliri ko.

"Oh anong nangyari sa'yo?"lumapit si carlo sa tabi ko.

"Masakit! kaloka. Anong gagawin ko dito?tatanggalin ko ba?" Para akong natatae sa boses ko.

Nakadikit na ang glue sa kamay ko. Dahil sa takot ko ay tinanggal ko na 'yon agad.

"Aray naman!" Naiiyak akong tinapos na tanggalin iyon.

"Bakit naman napakasakit nito!" Nakita ko ang daliri ko na nabalatan ng kaunti dahil sa glue.

"Tanga ka, genyan talaga 'yan. Mag ingat ka kasi."

Aray ah! I hate you na crush! Kung 'di lang kita gusto nasapak ko na mukha mo!

"Oo nga sabi ko nga."

"Patingin nga!"hinila niya ang daliri ko.

"Hayaan mo na lang matuyo 'to."

"Lalagyan ko ng toothpaste pag-uwi" babawiin ko na sana ang kamay ko pero hinila niya ulit.

"Ang kulit! Hayaan mo lang nga. Kasi baka mas lalo pa 'yan mabalatan."

Napatulala na lang ako sa mukha niya. Nakataas pa ang kilay niya habang nakatingin sa daliri ko.

"Hoy ano 'yan?"

Napatingin kaming dalawa kay ginger.


Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now