Chapter 10

58 54 2
                                    

"Linlin Estada 17"

Napangiti ako ng marinig na mataas ang score ni linlin sa quiz.

"Rinz Delmundo 15"

Grabe ang gagaling ng mga kaibigan ko ah.

Ano kayang score ko. Nanlalamig ang mga kamay ko. Lalo na math quiz pa naman ito. Paduguan para pumasa. Basta ang alam ko nasagutan ko naman lahat eh.

"Alma Ria Asuncion 16"

Sandali akong napapikit saka nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman! Atleast pasado pa rin. Hanggang 20 lang naman ang quiz namin pero grabe sa sakit sa utak ang mga laman ng papel namin. Buti na lang at natapos na rin.

"Haynako. Sinabi ko naman na magsipag review kayo 'di ba?" Nakunot ang noo ni sir habang hawak ang pang huling papel.

"Ginger 9, mag aral pa sa susunod ah."

Dahil sa aking narinig ay hindi ako agad nakakibo. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong gumalaw o mag react dahil I know her attitude. Madali siyang mainis lalo na't nararamdaman kong na offend siya sa sinabi ni sir kanina.

Nakikita ko sa gilid ng mata ko na tinatabunan ni ginger ang kaniyang mukha ng buhok niya. That's why I know that she offended and shy. Mamaya, paniguradong mainitang ulo nito. I know her very well.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Okay class. Tomorrow wala tayong schedule kaya wala kayong dapat problemahin. Next week ay exam niyo na at sinabi ko naman sa inyo na ito na ang last quiz sa last grading natin. Kaya pasensyahan tayong lahat sa grades na makukuha ninyo." Dirediretsomg umalis si sir matapos kaming tarayan at pagsabihan. Malamang na inis si sir dahil mayroon paring bagsak ang score sa amin.

Pagkalabas ni sir ay nagsitayuan at nag ingayan na naman ang klase namin. Break time na at ilang subject na lang ay mag uuwian na.

Humarap ako kay ginger. Masungit ang awra niya at nakatuon lamang sa cellphone ang paningin niya.

Tumayo ako at tinawag siya. "Ginger, pupunta akong C. R. Sama ka?"

Umiling lamang siya sa akin saka pabagsak na nilapag ang cellphone niya sa lamesa. Pagkatapos ay tumayo siya the she walk away from me.

"Oh anong problema no'n?" Nakuha ni linlin ang atensyon ko na nasa likuran lang pala ng upuan ko.

Nagkibit balikat lamang ako. "Samahan mo nga ako sa C.R. na iihi ako eh."

Tumango siya. "Sige, bibili na rin ako sa canteen." Bumaling naman siya sa upuan ni rinz. "Hoi rinz sumama ka sa'min, bawal tumanggi?"

"Edi wow." Sagot ni rinz.

Natawa na lamang ako bago ay lumakad na kami papuntang comfort room. Pagkatapos kong umihi ay pumunta kami ng canteen.

"Hindi ka ba bibili ria?"

Umiling ako. "Hindi eh. Busog pa ako. Doon na lang ako sa gilid hintayin ko kaya."

Umawang ang labi ni Rinz habang si linlin ay nagkibit balikat lamang.  Tumalikod na ako at nagtungo sa isang gilid.

Sa totoo lang ay nahihiya ako na tumayo rito. Lalo na at wala naman akong bibilhin. Baka may makita pa ako nakakilala ko rito.

Sa isang gilid ay nakita ko ang stall ng burger. Nakakainis at wala na akong pera. Gutom ako pero kailangan kong magpanggap na busog para hindi ako kaawaan ng iba.

"Ria,tara na." Paglapit nila linlin sa akin. Nakita ko pa ang itsura ni linlin na napanganga dahil sa pagkakapaso sa kwek kwek na sinubo niya.

"Dahan dahan kasi. Hindi 'yan isamg subuan hoy. Baliw ka talaga." Pagsaway ko sa kaniya.

Road Of Our SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon