Chapter 18

42 18 8
                                    

I was walking on a road coming to the canteen of our school. Break time at ako lamang mag isa. Pupuntahan ko ang puwesto namin. It's been a month since nag start magbenta ng pagkain dito sa canteen ang mga magulang ko. Noong una ay hindi pa sila sigurado kung makakaya ba. But they have no choice kailangan maghanap ng pangkabuhayan.

My father doesn't want that because he has a pride. Alam mo 'yon? Ayaw niyang nakikita siya ng tao na mahirap, na nasa ganoong estado. Pero ako tanggap ko na. It was really hard to admit that I'm poor. Pero wala akong magagawa dahil iyon ang aming kapalaran.

I just need to find my place where I can suit, kung saan ba ako nababagay. Kasi 'yon ang paraan kung saan mararamdaman mong tanggap ka at hindi ka nag-iisa.

Pagkapasok ko sa loob ng canteen ay sari saring amoy ng pagkain ang bumungad sa akin. Hindi gaanong masikip sa loob dahil iba iba ang oras ng break time ng bawat klase.

Sa gitnang bahagi ay nadatnan ko ang puwesto namin na mayroong mga estudyante. Napangiti ako habang inayos ng kaunti ang aking uniporme. I'm happy that it's being successful. Kahit papaano ay mabenta ang tapsilog na specialty ni nanay at tatay.

Lumakad ako palapit kung kaya nakita ko si nanay at tatay na abalang abala. Mom serve students with the smile habang si tatay naman ang nagluluto sa may bandang likuran ni nanay.

"Salamat mga ija at ijo. Magpakabusog at mag-aral ng mabuti." Inabot ni nanay ang kahon ng pagkain ng dalawang estudyante.

"Thank you po!"

Matapos magpasalamat ay saka umalis ang estudyante. Iyon ang pagkakataon na lumapit na ako sa harapan ni nanay.

I smile when she see me. "Nanay pagkain ko po?" I asked politely.

"Oh andyan ka na pala. Sandali lang." Umalis sa harapan ko si nanay at nag tungo sa banda ni tatay. Hindi manlamang ako nagawang sulyapan ni tatay.

"Oh anak. Kumain kana at bumalik  agad sa silid mo."

"Opo 'nay,salamat po." Ngumiti ako. Inayos ko ang pagkakahawak sa pagkain ko. "Ah 'nay tulong po muna ako sa inyo?"

Kumunot ang noo ni nanay. "Hindi na kailangan anak."

"Okay lang po 'nay. Matagal pa naman po ang klase ko."

"Bumalik ka na sa classroom mo Ria." Bahagya akong nagulat sa pagsasalita ni tatay.

Ngunit nawala rin iyon ng may dumating na ulit para bumili. Hindi na ako napansin nila nanay at tatay. Ayaw ko na rin naman ipilit pa at baka masigawan lang ako rito.

Tumalikod na ako at hindi na nakapagpaalam sa kanila nang dumami ang mga bumibili. Naglakad na ako at tinahak na ang daan sa aming silid.

Napatigil ako sa aking paglalakad nang madaanan ko ang hardin ng paaralan. Higit na nagpatigil sa akin ay ang makita si siegfried na naroon sa bench sa bukana. Siya lamang ang naroon at walang ibang tao sa hardin.

Marami lamang ang tao dito sa hardin kapag natapos na ang klase. Usually kasi ay sa bawat classroom nag bi-break time ang mga estudyante.

Tinignan ko lamang siya at hindi ko alam kung lalapit ba ako sa puwesto niya. Nakatalikod siya sa akin pero alam ko na si siegfried iyon. Naningkit ang mata ko ng makitang may benda ang kanan niyang kamay.

"Napa'no naman kaya ang kamay ng isang 'to?"

Namalayan ko na lang na naglakad na ang aking mga paa papunta sa kinaroroonan niya. Kinakalikot niya ang benda ng kaniyang kamay kaya hindi niya ako kaagad napansin.

Napakagat na lamang ako sa aking labi. Saka nagpakawala ng hininga bago ako nag desisyon na maupo sa tabi niya. Nasulyapan ko ang pagkain niya na nasa kabilang gilid bago ako tuluyang nakauo. Nanglambot ang tuhod ko ng huminto siya sa kaniyang ginagawa.

I heard his sigh. "Anong ginagawa mo rito?" Umiwas siya sa akinat pasimpleng pinagpatuloy ang ginagawa.

"Anong nangyari diyan?"hindi ko pinansin ang kaniyang tanong.

"Hindi mo na dapat pang malaman."

I'm pissed on what I hear. Pero pinabayaan ko na lang. "Patingin nga ako" bahagya kong hinawakan ang braso niya at hinarap iyon sa akin.

Hindi siya nakapalag sa akin pero nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Hindi ko iyon pinansin at hinawakan ang benda sa kaniyang kamay.

"Kelan pa 'yan?Masakit pa ba?"

Narinig ko ang pagtawa niya pero sarcastic iyon. "Anong tanong 'yan, alma?"

Inalis ko ang paningin ko sa kaniyang kamay at tumingin sa kaniya. Bahagya ako nagulat ng masalubong ko ang mga mata niya. Kabado man ay inirapan ko siya. Naningkit ulit ang mata ko ng makitang may band-aid sa pisngi niya.

"Yung totoo, anong nangyari sa'yo siegfried?"tanong ko sa kaniya.

Bigla kong naalala yung nakita ko noong nakaraang araw. Is that it?ano kaya iyon? Nakipag away siya? Pero impossible naman 'yon sa itsura niyang 'to nakikipag-away siya?

Naramdaman ko ang pagtanggal niya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"Ano bang pakialam mo?"seryo niyang tanong.

Nawalan ako bigla nang sasabihin. Natahimik ako at hindi naka-imik. Pero nabasag din iyon ng magsalita siya ulit.

"Bumalik ka na sa classroom mo. Hindi ka pa nakain."

Nangtiginan ko siya ay naabutan kong nakatingin siya sa hawak kong pagkain. Pagkatapos ay napatingin siya ng seryoso sa akin. Walang kahit na anong emosyon.

I cleared my throat. "Ikaw din naman, hindi ka pa din nakain." Itinuro ko ang kinaroroonan ng pagkain niya.

Tumango siya sa akin pagkatapos ay inilihis ang kaniyang paningin. "Kakain ako mamaya."

"Edi sabay na tayong kumain. Dito na lang ako kakain."inayos ko ang pagkakahawak ko sa pagkain ko.

"Bakit ba?!" Naiinis niyang pagkakatanong. Napaangat ang paningin ko sa kaniya.

"Bakit ba gusto mong nakadikit sa akin?" Nakunot ang noo niya habang ang paningin ay na nanatiling nasa harapan.

"Hindi naman a-ako laging nakadikit sa'yo ah."

"Kung gano'n bakit mo ginagawa ang mga 'to?bakit ka ngayon nandito?"

Kumunot ang noo ko. "anong ibig mong sabihin?"

He smirk. "You know what I'm saying Alma. May gusto kang makuha sa'kin."

Napaayos ako sa pagkakaupo at maslalong naguluhan. "Ano bang pinagsasabi mo? Yung pag-aalala ko ba sa'yo? Diyan sa kalagayan mo?"

Nakaharap pa rin siya sa ng diretso sa harapan at hindi manlamang ako sinusulyapan.

"Wala akong ibang intensyon kundin ang pagkagusto na bigyan mo ako ng pagkakataon na kilalanina ka." Mahina kong pagkakasabi.

"Bakit pa?" Sumilay ang sarkastiko niyang ngiti. "Kung sa huli hindi mo rin naman ako matatanggap. The more you know me,the start that you will hate me. Kaya huwag mo nang subukan. Dahil hindi rin naman kita pagbibigyan."

Sumidhi lalo ang nararamdaman ng kalooban ko. Hindi ko alam kung bakit laging may pasabog ang mga salita niya. Napaka misteryoso niyang tao. Pero alam kong makikilala ko rin ang tunay niyang pagkatao. Dahil gusto kong malaman iyon.

"But you give me a chance siegfried. You give me a chance to prove it to you, na gusto kita."

"Then did you prove it already?"

Napahinto ako sandali. "But you give me a chance."

"Yes I give it to you pero wala naman akong maramdaman na ginagawa mo 'yon. That's why I'm telling you to stop alma. Dahil hindi mo naman ako gusto."

Nag-init ang kalooban ko. Ramdam ko ang tensyon ng sistema ko. "Ano bang mahirap intindihin doon? Gusto kita. Bakit ba hindi mo matanggap 'yon?!"

Unti-unti ay humarap siya sa akin. "Dahil hindi ko matatanggap hanggat wala akong nakikitang basehan."

Road Of Our SoulsKde žijí příběhy. Začni objevovat