Chapter 4

93 76 3
                                    

"hoy Ria ang likot likot mo,kanina ka pa ah." Pagsaway sa akin ni ate.

Kanina pa kasi ako paikot ikot dito sa higaan ko. Nandito kami ng ate ko sa maliit naming kuwarto. Siya ay naka kutson habang ako ay sa sahig na kahoy naka higa.

Ewan ko ba basta ang sarap sa pakiramdam kapag sa sahig ako nakahiga. Parang ang gaan gaan at salong salo nito ang buo kong katawan.

At ayun na nga! Kaya kanina pa ako nagpagulog gulong at nagpa ikot ikot. Na may kasama pang pag lamukos sa unan ko ay dahil sa nangyari kanina.

Naibaon ko ang unan ko sa aking mukha. Mahirap huminga ah lalo pa at nakadapa ako.

Pero kasi naman! Nakakainis si ginger. Aish!

"Hoy ano 'yan?"

Napausog ako sa gilid ko upang mahiwalay kay Carlo. Saka pinangunutan ng noo si ginger.

"Anong ano 'yan?"

"Nako kayong dalawa ah. Bakit kayo nag sosolo?"

"Anong nagsosolo?" Tankng ni Carlo na inaayos ang mga gamit namin.

Napatingin sa kaniya si Carlo. "Ah wala naman. Parang may something lang. 'di ba Ria?"

Napakagat ako sa labi ko at ngayon pa lang ay parang gusto kong sabunitan si ginger. As if kung kaya ko talaga.

Pnangbumalik ang paningin ni ginger sa'kin ay pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na huwag na siyang mag salita.

Baka mamaya ibuking ako ng isang 'to.

"Anong something Ria?" Hindi ko namalayan na nakatingin na si Carlo sa akin. Bumilis na naman ang puso ko at parang gusto ko ng tumakbo.

"H-huh? W-walang something. Anong something?"

Tinitigan ko na naman si ginger at sinenyasang muli. Nang akmang magsasalita na siya ay tumayo na ako at hinila si ginger papasok ng room.

"Sorry, masyado kang kabado ah." Tumatawa siya habang hinihila ko siya.

Sinulyapan ko si Carlo na nakatingin sa akin papasok ng Room.

Wait! Why naman you're staring at me crush! Nakakailan ka na ah!

Ayon na nga!

Hindi ko alam kung ano bang ini-emote ko rito. Kung yung pagbibigay ni ginger ng clue kay Carlo na gusto ko siya o yung titig ni Carlo sa akin.

Wahhh ano ba naman!

Bigla na lang akong umupo at naihagis ko ng kaunti ang unan ko.

"Hala siya. Anong nangyayari sa'yo babaita ka."

Napatingin ako kay ate na nakatitig sa akin. Napaiwas ako ng tingin at napangiwi. Hinila ko ng kaunti ang ibaba ng buhok ko at mas lalong nairita.

"Hala baliw na naman 'to oh!"hinagis niya sa akin ang unan ko at tumama 'yon sa mukha ko.

"Aray ko!ang sakit ah!"

"Ewan ko sa'yo! Kumain ka kaya muna ng magtino ka. Nabubuang kana diyan. Sumbong kita kay mama kala mo."

Ky eyebrows up. Nakakainis naman!

Tumayo na ako at tinabi ang unan ko. Bumaba na ako upang pumunta ng kusina at kumain. Baka gutom lang nga 'to.

***

Lumipas ang ilang linggo na nagpapatuloy ang pagkagusto ko kay Carlo. Hindi ko parin nasasabi a kaniya na nagugustuhan ko na siya. But I think he felt it because of ginger na lagi akong tinutukso.

Pa'no ba naman!hindi nga niya ako inaasar ng diretso na crush ko si Carlo pero lagi naman siya nagpapakita ng motibo na gusto ko si Carlo.

Katulad noong isang araw habang nasa canteen. Bumili pa talaga siya sa kung saan nabili sina Carlo at ang kaibigan niya. Kung 'di ba naman na nanadya eh 'no? At aba tinulak pa talaga ako.

Kala mo siya yung may crush kay Carlo sa mga ginagawa niya eh. Naloloka na ako ah!

Nandito kami ng mga kaklase ko ngayon sa pb6 court sa green village. Dito nila naisipan na mag meet lahat at gawin ang mga kailangan para sa contest na sasalihan ng aming section.

"Oh Ria, dala mo 'yung mga tela?"biglang lapit at tanong ni linlin

"Ah oo nandito sa eco bag."ipinakita ko 'yon sa kaniya

"Simulan na kaya natin yung pananahi?para matapos na natin."

"Oo nga. Hindi naman natin need na hintayin yung mga sasayaw ih. Sabihan mo na mga kasama natin." Utos ko kay linlin.

I think she's my new friend na. Kasama namin siya sa pagpaplano ng mga gagawin sa costumes ng mga sasayaw. Nahati kasi sa tatlong grupo ang section namin. Ang iba ay para sa sasayaw. Kami ay para sa gagawa ng costume, at yung isa ay sa props. Ganito ang strategy namin para mapadali ang gagawin.

Nasa iisang Court lang ang lahat ng grupo. Para magkaunawaan sa plano ng bawat isa. Pagdating sa mga ganito ang sisipag talaga ng mga kaklase ko eh. Ewan ko na lang talaga pagkadating sa classroom eh.

"Okay daw sabi nila."bungad sa 'kin ni linlin na halatang hinigal sa pagsasalita.

"Ahm.. doon daw tayo sa side na 'yon." Itinuro niya ang kabilang bahagi ng court.

"Okay sige. Patulong pala ako magbibit ng mga 'to." Iniabot ko sa kaniya ang isa pang ecobag.

"Ang dami pala ng tela na 'to Ria."

Napangisi ako. Siguro ay nabigatan siya sa pagbitbit.

"Oo eh. Naka discount si nanay sa pinagbilihan niya."nakangiti kong sabi.

"Galing naman ng mama mo. Sana lahat."

"Magaling tumawad eh. Gano'n talaga mga magulang natin magaling sa strategy." Natawa kaming dalawa sa sinabi ko.

Nang makalapit sa iba naming makakatulong ay agad kaming nagbahagi ng tela.

"So paano natin sisimulan?"

Napanguso ako at tinignan si linlin. Siya kasi ang leader namin dito. "Linlin turo mo na sa amin kung ano ang unang gagawin." Pagkalabit ko sa kaniya.

"Ah... Ganito kasi yung sinabi nilang design."ipinakita niya sa amin ang sketch sa papel niya. "So uunahin natin ang sa mga babae. Kasi mas madali langang gagawin sa girls." Agad na sumang ayon ang lahat sa kaniya.

Marami pang ipinaliwanag si linlin at masinsinang instructions para sa gagawin. Pero lumilipad ang utak ko at hindi ko maabsorb ang mga sinasabi niya. Parang nadaan lang 'yon sa tainga ko at lumalabas sa kabila.

Hindi ko pa nakikita si crush kaya siguro hindi pa ako ginaganahan gumawa.

Ganoon naman kasi eh. Napunta at nasama lang naman ako sa practice or paggawa ng mga ganito dahil alam kong pupunta si crush. Hihihi sorry na.

"Eh bakit wala pa si-"

Napaawang ang labi ko ng makita kung sino ang dumating. Malayo pa lamang ay familiar na ito sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking labi ngunit unti unting nawala.

"O-oh? Bakit ka-kasama niya si-"

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now