Chapter 8

65 62 3
                                    

"Ano ba naman 'to! Kanina pa 'ko nagpalakad lakad dito ayaw parin bumukas ng facebook ko! Ano 'to?kailangan ko pang magpagulong gulong?!" Napabuntong hininga ako sa inis.

Bukod sa napakabagal ng signal ko dahil naka free data lang ako ay may diperensya pa 'tong cellphone ko. Kamalas malasa naman oh.

Nang mairamdaman ko na ang patak ng ulan sa labas ng aming bahay ay nag pasya akong pumasok sa loob. Pagkapasok ay dumiretso ako sa sofa namin.

Ggzzzzz....

Ang lakas na naman ng hilik ng aking tatay. Tulog na tulog siya sa sala at naka taas pa ang paa.

Nakatingin ako sa aking tatay bago ay inilipat ko ang aking paningin sa lamesa. Doon ay nakita ko ang cellphone ni tatay.

May kung anong nag-uudyok sa akin para hiramin iyon. Kaso ay napapaisip ako na baka muli akong maabutan ni tatay na ginagamit ang kaniyang cellphone.

"Natatakot ako.." napabuntong hininga ako. Saka tinignan ang cellphone ko. Napasimangot ako at nag tubig ang mata ko.

Kalaunan ay namalayan ko na lamang na hawak ko na ang cellphone ni tatay at naakyat na sa 2nd floor ng bahay. Katulad ng karaniwan ay tumunog ang kahoy na sahig na aking inaapakan.

"Mabuti na lang at 'di pa 'to marupok. Kagaya ko.."

Joke lang! Marupok na pala na tunog tunog na nga ih. Bagsakan lang ito ng malaking bato giba na 'to. Pero huwag naman sana ano?

Nang marating ko ang bintana ay inilagay ko doon ang cellphone. Sa may parteng hindi mahuhulog. Nang maiayos ang cellphone ng tatay ko ay kinalikot ko na iyon at dali daling binuksan ang hotspot.

Pagkatapos ay binuksan ko na amg cellphone ko at ikinonekta ko 'yon sa hotspot. Agad na naglabasan ang mga notification ko kung kaya nag hang na naman ang cellphone ko. Ganito talaga 'to kapag mabilis ang signal.

Hinayaan ko muna iyon sandali at ipinatong ko sa plantsahan. Sinilip ko ang bintana,papadilim ang kalangitan dahil sa ulan. Unti unti ay naririnig ko ang mga patak ng ulan sa aming bubong.

Kinilabutan ako sa tunog.

"Grabe naman! Sabi ko nga bibilisan ko na 'to eh."

Sinubukan ko ulit galawin ang cellphone ko. "Sa wakas! Umayos na rin siya."

Una kong tinignan ang facebook. Naalala ko ang sinabi ni Carlo. Maryoon daw siyang chat sa akin. "Hmm... Oo nga pala... Ano naman kaya 'yon?"

Nang makarating ako sa chats ay marami na ang tambak na chat doon. Halos lahat ay mula sa kaklase at ang iba ay sa mga kaibigan at kamag anak ko.

Una kong nakita ang message ni Ginger.

Ginger: Ria! Mukhang mahuhuli ako ng pagpunta sa court.

Ginger: Ria nandiyan ka na ba?

Ginger: malapit na ako. Hinintay mo ba ako?

Ginger: ano ba 'yan!ayaw mo naman sumagot. Nandito na 'ko sa kanto. Hindi mo naman ako hinintay eh!

Napasimangot na lang ako. "Bakkt parang siya pa 'yong galit?" Kung sana tumupad siya sa oras na sinabi niya edi nagkasabay kami.

Sunod kong hinanap ang message ni Carlo. Importante kaya 'yon?binanggit niya pa talaga ng personalan 'yon sa akin.

Mabilis ang puso ko habang tinitignan ang message niya sa akin.

Carlo: hi Ria!
Carlo: kamusta?

Carlo: Hey Ria!

Carlo: good morning Ria!
Carlo: ang daya hindi nangsiseen ng chat ko.

Carlo: Riaaa
Carlo: oo nga pala. May gusto akong sabihin sa'yo.
Carlo: I mean... Gusto ko sanang magpatulong.
Carlo: May gusto kasi ako sa kaibigan mo.
Carlo: ahm... Pa'no ba?hindi ko maipaliwanag eh.
Carlo: Alam ko, napansin mo naman na nagiging malapit ako sa'yo 'diba?
Carlo: Pasensya ka na ah. Gusto ko lang maging malapit sa'yo. I mean gusto ko kasing magpatulong sa'yo.
Carlo:kasi alam ko ikaw ang pinakamalapit kay ginger. Noon pa man gusto ko na siya. Pero hindi ko alam kung paano.. o kungmay chance ba ako.
Carlo: sorry kung naiistorbo kita ah? Pero sana tulungan mo ako.

Carlo: hi Ria! Ang gandang timing nitong practice. Sabi ko na eh siya
Magiging partner ko! Wala lang gusto ko lang sabihin sa'yo na ang saya ko. HAHAHAH ang weird sorry.

Agad kong naiiwas ang mata ko sa cellphone ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Naghahalo yung saya at lungkot aa puso ko.

"Hindi ko akalain na ganito kahirap magkagusto."

Ria:Gano'n ba? Mukhang hindi mo naman na ata kailangan ng tulong ko.
Ria: kasi mismong kaibigan ko narin naman ata ang nalapit sa'yo HAHAHAHA
Ria: yiiieee sana all!

Masakit.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Crush lang 'to dapat hindi ko sineseryoso. Pero oo crush lang 'to pero yung pakiramdam parang sobra sobra naman.

Napatingin ako sa bintana. Lumalakas ang ulan at sinabayan ng pag dilim ng kalangitan. Kasabay ng malakas na kulog ang isang sigaw na nagpayanig sa akin.

"RRIAAAA"

Napakagat ako sa aking labi. Parang naninigas ang aking mga paa. Hindi ko alam kung paano makatakas.

"Patay..."

Agad kong kinuha ang cellphone ng tatay ko saka ipinatay ang hotspot. Nag simula akong maglakad palapit sa hagdanan.

Nanginginig ang kamay ko. Itinutok ko ang mata ko sa cellphone ko. Ginalaw galaw ko iyon upang hindi ako mabigla. Hinanda ko ang sarili ko sa hindi malamang dahilan.

Pagkababa ko ay sinalubong ako nang...

"Tang ina! Ikaw talagang bata ka!"

Napatingin ako sa tatay ko na gising na at galit na galit.

"Nung isang araw ka pa ah!napaka tigas ng ulo mo. Gago ka! Akin na 'yan!"

Nagtubig ang mata ko. "Bakit kailangan mong sumigaw?.." nanginginig ako na inilapag ang cellphone niya sa harapan niya.

"Kanina pa kita tinatawag dito!kuha ka ng kuha ng cellphone ko! Meron naman kayong sariling cellphone!"

"Eh hindi na nga nagana 'yong data eh! Ayaw na nga makasagap ng signal! Sandaling sandali ko lang naman hiniram.." tumulo na ang luha ko. "Tapos pagbaba ko sisigawan at mumurahin mo na ako. Puwede mo naman akong pagsabihan ng maayos 'tay."

"Nakakainis ka na eh! Hindi ka nagpapaalam! Iniwan ko nga 'yan diyan para makapagpahinga yung cellphone kasi gagamitin ko paggising ko. Hindi ka ba nakakaintindi?!"

"Parehas lang naman eh! Magpapaalam ako para hiramin,sisigawan mo ako. Hindi ako magpapaalam at hihiramin, sisigawan mo parin ako!"

Napaka damot niyo! Akala mo naman hindi niyo ako anak para ipagdamot ang bagay na meron kayo. Napakasama niyong magulang.

Nagmartsa ako pabalik sa itaas. Kumuha ako ng panyo at niyakap ang unan ko.

"Kunv makasigaw. Puwede naman ako pagsabihan ng mahinahon."

Pinunasan ko ang luha ko. "Kung sana ibinibigay niyo ang kailangan ko edi hindi akong nanghihiram ng gamit niyo!"

Napaiyak akong muli. Napakahirap ng buhay namin, at naiintindihan ko 'yon. Pero bakit naman ganito? Napaka higpit sa akin ng mundo. Nagsasabay sabay lahat.

Sinulyapan ko ang maliit kong cellphone. Gusto kong ihagis iyon pero natatakot ako na baka mas lalong masira at wala akong magamit.

Ilang beses..

Ilang beses na ito. Paulit ulit na lang.

Kailan ba giginhawa ang buhay ko?

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now