Chapter 6

73 69 3
                                    

"ano bang me-"

Natigilan ako ng makita ang side ng mga nag papractice ng sayaw.

"Ah w-wala lang na-naman 'yan."

"Asus sure ka 'di ka man lang nagseselos?"

Napakunot ang noo ko. "Bakit naman ako m-magseselos?"

Napanguso si linlin. "Kung sa bagay..."tumingin siya sa akin. "Wala ka namang karapatan."

Hindi ko alam pero nagkaroon ng kirot sa puso ko.

"Hay nako Ria, huwag na nga natin isipin. Tara na gumawa na lang tayo ulit nitong tinatahi natin."

"Ah o-okay."

Napasulyap ako ulit sa gawi ng mga sasayaw. Wala naman akong dapat na ikagalit o ikaselos kay ginger at carlo. Dahil magkapartner sila dapat lang na sundin nila ang tinuturo sa kanila. Hindi lang naman silang dalawa ang ganoon eh pati rin naman ang iba.

Isa pa, wala naman talaga akong karapatan....

Sino ba ako? Eh kaklase niya lang naman ako.

Bago ko ilayo ang mata sa kanila ay nakit ko sila ulit. Sobrang dikit nila sa isat isa. Kung titignan mo ay parang wala na sa sayaw ang mga aksyon nila.

Pero mali na husgahan ko lahat ng iyon ng ganito. Hindi dapat ako ganito mag-isip.

"Hoy Ria! Natulala ka na diyan ah?"

"Ay sorry."

Weird na ngumiti si linlin sa akin. "Okay lang 'yan. Huwag monna 'yan isipin."

Tumango na lamang ako sa kaniya at nagsimula na ulit sa ginagawa.

***

"Okay guys!tapos na tayo. Tulong tulong po tayo sa pagliligpit ah. Salamat!" Sigaw ni ben ang bakla naming president.

"Okay copy!"

Nang nagsitayuan ang lahat ay nailibot ko ang aking paningin. Hinanap ko si ginger sa grupo ng mga sasayaw.

Alam ko sabi niya sa akin kahapon ay sabay daw kami uuwi kapag natapos ang practice.

"Hmm.. nasan naman kaya nagpunta yung babaeng 'yon?"

"Ah Rinz!" Agad kong nakuha ang atensyon niya.

"Oh Ria,bakit? sasabay ka umuwi?"Inayos niya ang kaniyang eyeglasses.

"Ahmm.. hindi ko alam eh. Sasabay ata ako kay ginger."

"Ay ganun ba sige. Ingat kayo." Ibinalik na niya ang salamin sa kaniyang mata.

"Ahh.. nakita mo ba siya?"

"Oo kasama niya lang kanina yung patner niya ah?" Tumingin tingin siya sa paligid.

Ginaya ko ang kaniyang ginawa.

"Ay ayun oh." Tinuro niya ang isang side ng court."inaayos ata yung bag?"

Sa itinuro niya ay nakita ko nga si ginger. Inaayos niya ang kaniyang bag na nakapatong sa upuan dito sa court. Kapansin pansin ang kakaibang kilos at ngiti niya. Matapos ko siyang tignan ay may dumating sa tabi niya. Malayo kami ni Rinz kung kaya hindi ko marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila,ang nakikita ko lang ay ang pagtango ni ginger.

Dahan dahan kong naibalik ang paningin ko kay Rinz. "Ah Rinz! Sa-sabay... Na lang ako sa'yo. Baka... baka kasi may aasikasuhin pa sila Ginger."

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Saka tinignan ang itinuro niya sa 'kin kanina. "Oh sige, ikaw bahala. Tara na kunin na natin gamit natin."

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now