Chapter 12

49 49 2
                                    

Tingin sa baba,tingin sa harap,sa taas,sa gilid. Lahat na tinignan ko maliban lang sa kabilang gilid ko kung nasaan naroon ang lalaking 'to!

Bakit ba naman kasi ako iniwan ni ken sa lalaki na 'to!

Hindi ko nga siya kilala eh! Sino ba 'yan? Bakit niya ba dinala 'yan dito?

I rolled my eyes before deciding to get up and go home na lang. Pero na tigil ako ng humarang sa harapan ko ang braso niya. Kaya napaupo akong muli. Bahagya niyang iginalaw ang braso niya at inilapit sa akin ang box ng donuts.

Mula sa pagkakatingin sa box ng donuts ay nailipat ko ang aking paningin sa kaniya. Napaayos ako ng upo ng makitang nakatitig din siya sa akin.

Fuck!

Para akong malalagutan ng hininga. Bakit bigla akong nagkakaganito?

He cleared his throat. "Hm.. I think this is for you." I felt how he placed the box of donuts on the top of my thighs.

Umalis siya sa harapan ko at naupo sa aking gilid. Nanatili ako na walang imik. Hinawakan ko ang box ng donuts at hindi ko alam kung bubuksan o kung ano ang gagawin. Malamang kakainin? Pero nakakahiya naman kung kakain ako sa harapan niya ano?

"Don't worry, kumain ka sa harapan ko kung gusto mo. I don't mind you. Sayang din ang pinila ko diyan para mabili 'yan."

Nagulat ako sa muli niyang pagsasalita. He has a cold voice, pormal ang bawat bitaw ng kaniyang salita. Habang kaniyng paningin ay nasa harapan. Kung titignan siya ay para siyang kumakausap sa hangin.

"hmm.. okay.." inalis ko ang paningin ko sa kaniya at binuksan ang box ng donuts.

Agad na nag laway ang bibig ko. Natatakam ang sikmura ko, hindi ako gutom pero ganito talaga ako sa tuwing nasa harapan ko ang favorite food ko.

Kinuha ko ang isang kulay pink. Ganito lamang ang palatandaan ko sa mga pagkain,purong sosyal kasi ang mga pangalan kung kaya nakakalimutan ko.

Agad ko 'yong nilantakan at ninamnam ang lasa at sarap noon.  Mabilis ko iyong naubos kaya kumuha ako ulit isa pang piraso. Nang muli akong kakagat ay napahinto ako ng maramdaman ang mga matang nakatingin sa akin. Mula iyon dito sa katabi ko.

I turn my gazed to him awkwardly. I move my eyebrows to give him a sign.

I heard him sighed. "Kumain ka ng maayos, please." Nag abot siya sa akin ng panyo.

It gives me a shock. Shit! Am I look like a kid now? Ano pa ba ang aasahan ko. Malamang ay madungis akong kumain. Lalao na kapag sa favorite food ko.

Please naman Alma Ria! Maging disente ka naman. Grrr...

"Oh.. I'm sorry." Kinuha ko ang inaabot niyang panyo. Bahagya kong iniusog sa kaniya ang box ng donuts. "Oo nga pala... Kuha ka. Kumain ka rin. Tutal ikaw naman pala ang bumili nito."

"No thanks. I'm not hungry." Ibinalik niya sa harapan ang kaniyang paningin.

Ang sungit naman nito! Napaka pormal, hindi ako sanay...

Iniharap ko sa kaniya ang box ng donuts."Sige na kumain ka. Nakakahiya na ako lang ang kumakain eh."

His eyebrows up and then he sighed. Maybe he is now pissed to me. Tumango siya at kumuha ng kulay brown na donut.

"Thanks."he said shortly then bite at his donut.

Pati sa pagkagat ng donut ay parang nag iingat siya. Grabe naman,napaka pormal niya naman. Siguro galing 'to sa mayamang pamilya? Or baka ganyan lang siya pinalaki?

"Please don't look or watched me.Kumain kana."

Napakagat ako sa labi ko saka bumalik sa pagkakaayos ng upo. Bakit ba para akong napapahiya sa lalaking 'to? Kasi naman lumilipad na naman ang isipan ko! Bakit ba kailangan kong tignan ang bawat kilos niya. Aish!

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now