Chapter 13

52 49 4
                                    

"Alma!" Sigaw ng aking tatay.

It was the first time I hear that my father call my nickname...

"Bakit po,tay?"

"Nagluto ka na ba?" He asked while his eyes are focused in his phone.

"Opo." Pagod kong sagot. Halos kakatapos ko lang magluto ng tinola.

"Maghain kana. Nagugutom na 'ko."

"Hindi pa ako gutom. Mauna kana 'tay." Naupo ako sa sofa at kinalikot ang cellphone ko. Nakakawalang gana kumain lalo na at nakakapagod ang magluto.

"Anong sabi mo?!" Sigaw ni tatay nagpatalbog ng puso ko sa kaba.

"Edi ipaghain mo 'ko! Napakatamad mo na namang bata ka ah!"

I bit my lower lip at iniiwas ang paningin upang pigilan ang pagkaemotional.

I don't want to cry... Again..

Tumayo ako at nagsimulang magsandok ng pagkain para kay tatay.

Napabuntong hininga ako habang nanginginig pa ang mga kamay. "Ang dami dami ko nang ginawa. Nagluto na ako,naglinis pa ako ng bahay..." Bulong ko sa sarili.

"Tapos ang tingin parin sa akin... Tamad?" Papalabas na ang mga luha ko,pero pinigilan ko pa rin. Dahil mas lalong magagalit ang tatay ko.

Dahil sa panginginig ng kamay ay nabitawan ko ang takip ng kaldero. Nagbuo iyon ng ingay sa lapag.

"Putang-ina! Ano nagdadabog ka na naman?!"

Napapikit ako at lalong kinabahan.  "Na-naibagsak lang. Hindi ko naman sinadya."

Naramdaman ko ang pagtayo ni tatay at pagdiretso sa kusina. Kasabay ng pag-upo niya ay inilapag ko na ang pagkain niya. Hindi ako pinansin ni tatay kumain na siya.

Nang pagtalikod ko ay narinig ko parin ang pag-angal niya sa luto ko. "Ano ba naman 'to!kalaki laki mo na hindi ka pari matutong mag luto. Walang lasa!walang kwenta!"

Doon ay tumulo na ang luha ko. Dala ang cellphone ko ay dumiretso ako palabas ng bahay.

Nakakapagod..

Nakakasawa..

I'm still young and I still learning pero bakit hindi iyon maunawaan sa bahay?

Lagi na lang ba walang silbi?lagi na lang walang kwenta?

Hindi ba puwedeng,magsanay ka pa? Mag-aral ka pa?

Bakit kailangan perpekto na agad?

Sa paglalakad ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa play ground. Ito yung pinagkitaan namin ni ken noong nakaraang linggo. Naalala ko na naman..

Oo nga pala hindi ko natandaan yung pangalan ng lalaking iniwan sa'ki ni ken.

"Ano nga bang pangalan no'n?"

Ang tagal kong nakausap ang lalaking 'yon. Hindi ko manlang na itanong ulit ang kaniyang pangalan.

Eh bakit ba kailangan ko pang malaman?!

Hays Alma Ria Asuscion..

Itinuon ko na lamang ang aking paningin sa kalangitan. Tanghali na at maganda ang lagay ng ulap. Mainit nga lang dahil tirik na tirik ang araw. Ang kalangitan naman ay napupuno ang asul at puting kulay. Buti at mayroong silong itong kinauupuan ko.

Sa ganitong paraan ako naglalabas ng sama ng loob ko. Sa paraang pananahimik... Dito ay gumagaan ang pakiramdam ko. Mas nanaisin ko ang mapag-isa lalo na't mukhang masasanay ako na ganoon.

Road Of Our SoulsDär berättelser lever. Upptäck nu