Chapter 2

119 92 7
                                    

"Ikaw nga magtapat ka sa 'kin. May gusto kaba kay Carlo?"

Napaawang ang labi ko. Napaiwas ako ng tingin at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

I shrugged my shoulders in front of her. Kitang kita ko ang reaction niya. Natigilan siya at lumaki ang mata niya hanggang sa napatili na siya.

"Ackk!-"

Agad ko siyang hinila sa labas ng corridor.

"Ang ingay mo naman ginger!"

Natatawa niyang inayos ang buhok niya na nagulo kanina. "Yieee... Ikaw ah" makahulugan niya akong tinignan.

Aish nakakainis naman.

"Ano kasi... Ahm.. hindi naman kasi-"

"Nako nako huwag kana magdahilan" sinabi niya iyon habang ikinakaway pa ang kamay niya sa harapan ko.

"Ewan ko sayo" Sumimangot na lang ako at tumingin sa maliwanag na kalangitan.

"Yieee crush mo nga?"

Hindi ko siya pinansin.

Niyugyog niya ang braso ko. "Hoy crush mo nga?"

Nanatili ang mata ko sa daan sa labas ng classroom.

"Hala siya oh?hi hello?"

Nang 'di na makatiis si ginger ay pumunta siya sa harapan ko. "Hoy Alma Ria Asuscion! Crush mo nga si-"

Tinakpan ko na ang bibig niya. "Shi Car...lo?" Pero salita parin siya ng salita.

"Oo na nga! Ang ingay mo naman" pinakawalan ko na ang bibig niya.

"Hoy gaga ka! Makapagtakip ng bibig ko baka mawalan ako ng hininga girl."

"Ewan ko sa'yo"

"Pero 'di nga?gusto mo nga si-"

"Oo na nga! Paulit ulit ka naman ginger. Nako ah.."

Naiinis na 'ko pero dapat kalma lang ok.

Narinig ko ang pagbungisngis niya. "Okay po! Ayieee may bago na akong pang asar sa kaniya."

Sa loob loob ko ay napapataray na ako.

Sumimangot ako sa kaniya. "Tigilan mo 'yan ginger. Kapag talaga nalaman ni carlo na may gusto ako sa kaniya nako. Ikaw sisihin ko."

Tumawa siya. "Arte naman nito. Mas okay nga 'yun eh. Malay mo maging mutuals feeling niyo."

"Tigilan mo 'ko ah. Huwag mo ako paasahin."

Nakailang crush na ata ako. At lahat ng iyon ay nalalaman niya. Kaya ang nangyayari itong magaling kong kaibigan. Ang inagay ng bunganga 'di matigil. Kaya ayon nalalaman na tuloy. Tapos ang dating 'di naman ako i ka crush back. Saklap eh,kainis.

Kaya ayoko na maniwala sa mga false hope na 'yan. Ka bwisit.

"Sinasabi ko lang naman. Masyado ka namang seryoso" napatawa siyang muli.

Nakita kong nasa loob ang paningin ni ginger. Sinundan ko ang tinitignan niya. Ayun si carlo at nakikisama sa tawanan ng mga kaibigan niya.

"Guwapo naman talaga 'yang si carlo. Isa pa malakas ang dating..."

Napatingin ako kay Ginger ng magsalita siya.

"At higit sa lahat matalino"bigla siyang napatawa.

Napakamot ako sa ulo ko."Hay ewan ko ba"

"Puro ka ewan diyan. Pero deep inside niyan nangingiti kapag nakikita di carlo."

Nanlaki ang mata ko then my eyebrows up. "Ang kulit mo ginger. Huwag ka kasi maingay."

Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now