CHAPTER 3

424 108 6
                                    

Chapter 3

JACOB'S POV

(PRESENT TIME)

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko sa nakaraan hindi ko namalayan na dumating na ang mga kaibigan ko kung hindi ko pa narinig ang boses ni Marcus na tinatawag ang pangalan ko. Sunday ngayon at napag-usapan naming magkita-kita sa cafe malapit sa paaralan. Palagi kasi kaming nagkikita tuwing Sunday kahit pagkabukas ay may klase naman.

"Uy, tulala ka na naman," ani Leo. "Si Anais na naman, noh?" dagdag niya pa na nang-aasar at umupo sa katabing upuan ko habang sina Adrian at Marcus ay nasa harapan namin. Nag order muna kami ng makakain dahil hindi pa daw kumakain si Adrian ng breakfast.

"Alam mo, J, hindi ka na bumabata, tumatanda ka na. Dapat gumalaw-galaw ka rin pag may time. Sige ka, baka isang araw na lang ay may makaagaw sa kanya," pananakot ni Marcus sa akin.

Naisip ko naman 'yon pero hindi ko alam ang gagawin ko dahil kahit kailan wala pa akong niligawan. Nagbibigay na nga sila ng mga advice pero kapag gagawin ko na ay hindi ko kaya dahil pinapangunahan ako ng takot at kaba.

Paano naman kung hindi niya ako gusto? Eh di sayang lang ang feelings ko sa kanya?

Mabuti na lang ay dumating na ang in-order namin kaya nawala saglit sa isipan ko ang bagay na 'yon. Napansin ko din na kanina pa tahimik si Adrian mula pa kanina ng dumating silang apat pero nasanay namam kami sa katahimikan niya.

Sumimsim ako sa kape. "Alam ko naman pero alam niyo naman diba na hindi ako marunong pagdating dito diba?" sabi ko at kinamot ang ulo ko.

Naiinis ako sa sarili ko kasi kalalaki kong tao hindi ako marunong duma-moves sa isang babae. Torpe na kung torpe kung ang itatawag niyo sa akin, bahala kayo.

Inaamin ko ngayon na mahal ko na siya. Ito na siguro ang sinasabi ng mga kaibigan ko na pagmamahal. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang na realize kung ano ang pakiramdam ng pagmamahal. Na sa pagkakataong wala dumaang araw na hindi ko siya tinitingnan ng palihim sa eskwelahan. Nagiging stalker niya na nga ako na sa pagkakataong sinusundan ko na siya hanggang sa pagkauwi niya sa bahay para lang malaman na ligtas siyang makauwi sa kanila. Maging sa Facebook, Twitter, at Instagram din iniis-stalk ko siya.

"Pssst, J." Siniko ako ni Leo.

"Ano?" tanong ko sa kanya at may tinuro naman ito.

Sinundan ko kung saan siya nakaturo at nanlaki ang mga mata ko nang makitang siya ang tinuturo ni Leo. Sa sobrang titig ko sa kaniya, hindi ko namalayan na lumingon siya sa kinaroroonan namin. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ito sakin

At ako naman ay mukhang tanga dahil ngiti-ngiti rin ako pabalik sa kanya.

"Baka naman matunaw, J," pagpapanira ni Leo.

"Sino?" tanong ni Marcus at sinundan ang tingin ni Leo na sinunod naman ni Adrian. Lumingon siya sa akin pagkatapos at nanunuksong tumingin sa akin. "Tawagin natin?" tanong niya sa aming tatlo pero na sa akin ang paningin niya.

"No!" Sa pagtataranta ko ay sumigaw ako at nakuha ko ang atensyon ng ilang taong malalapit sa amin. "Sorry," nahihiya akong nagpaumanhin sa kanila. Mabuti nalang hindi ganon kalakas para marinig ni Anais.

Nakakahiya pa naman, bawas points 'yon.

Pero wala na akong magawa ng tawagin niya si Anais na saktong kakatapos lang bumili. Nagtataka man ito kung bakit siya tinawag ni Marcus ay lumapit pa din si Anais sa amin. Habang palapit siya ay hindi naman ako mapakali.

"Good morning," Anais greeted us.

"Hi Anais!" masiglang bati ni Marcus kay Anais. "May pupuntahan ka pa ba?" tanong niya at tiningnan ako na nakangisi. Sinamaan ko siya ng tingin na nagpapahiwatig na 'wag siyang gagawa ng kalokohan na ikakahiya ko. Pero dahil baliw 'tong kaibigan ko, hindi ito sumunod sa akin.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon