CHAPTER 10

365 90 1
                                    

Chapter 10

ANAIS' POV

"Sinabihan ko na kayo Nay, diba?"

Ngayon na ang araw ng party namin at nag-aaway pa kami ni Nanay. Hindi naman sa ayaw ko na siya ang mag-aayos sa akin pero naka-oo na ako sa Mama ni Jacob at hindi ko na pwedeng tanggihan ngayon. At tsaka sinabihan ko na sina Nanay at Tatay na 'wag ng bumili ng damit dahil nag-alok na ang Mama ni Jacob pero bumili pa rin sila.

"Sige na anak, maganda naman oh." Pinakita niya sakin ang hawak niyang kulay pula at puti na dress para sa sayaw.

Beautiful hot diamond collar design, diamond decoration on the neckline, more charming clavicle; translucent hand sleeves with dynamic streamers; beautiful appliqué on the chest + professional hot drilling design; slim version; thick fishbone skirt, Stereoscopic and stylish, full of modern style.

Maganda ang damit at pasok na pasok sa taste ko. Tiningnan ko si Nanay na naghihintay ng sagot ko at alam kong hindi ko mahihindihan si Nanay sa ganitong mga bagay.

Hindi pa ako nagsasalita ng magsalita siya ulit, "Ganito na lang, sa kanila ka magpapa-ayos pero ito ang susuotin mong damit sa sayaw. Alam mo naman pinag-ipunan namin ng Tatay mo para lang sayo."

Ngumiti ako at niyakap si Nanay. "Salamat Nay dahil kahit mahirap lang tayo nabibili niyo pa rin ni Tatay ang mga ganitong bagay sakin." Hindi ko maiwasang maging emosyonal sa mga sandaling ito.

Oo, mahirap kami pero gumagawa sila ng paraan palagi para sa akin. Kaya pinapangako ko kapag makapagtapos ako ng pag-aaral, maghahanap ako ng magandang trabaho at ako na ang gagastos at bibili ng mga kailangan namin. Papatayuan ko rin sila ng bahay dahil pangarap ko talagang maging engineer.

Kumalas si Nanay sa yakap. "Ikaw na bata ka, syempre mahal na mahal ka namin ng Tatay mo noh. Gagawa at gagawa kami ng paraan para mabili lahat-lahat ng gusto mo." Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha kung hindi pa pinunasan ni Nanay ang pisngi ko. Pinunasan ko rin ang sa kanya. "Tama na nga ang dramahan nating mag-ina. Dapat nga masaya ka, sige ka, papangit ka niyan mamaya," pagbibiro nito at tumawa naman ako.

Lumabas muna si Nanay sandali sa kwarto ko at kinuha ko naman ang selpon ko para e-text si Jacob na may damit na akong susuotin mamaya. Nung nag-aminan kami doon namin kinuha ang number ng isa't-isa.

From: Jacob

Hindi ka na pupunta dito?

Natawa ako sa sinend niya.

To: Jacob

Hindi. Pupunta pa rin ako diyan pero damit na binili nina Nanay at Tatay ang susuotin ko.

From: Jacob

Ah sige, sasabihin ko kay Mama. Gusto mo sunduin kita dyan?

Napangiti ako.

To: Jacob

"Hindi na, ako na lang ang pupunta diyan.

From: Jacob

Sigurado ka?

To: Jacob

Opo

From: Jacob

Sige na nga. Basta mag-iingat ka ha?Hihintayin kita. I love you.

Nakagat ko ang labi sa kilig.

Ano ba naman toh! Simple lang nga ang text niya pero kung makakakilig ako wagas.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon