CHAPTER 35

192 51 449
                                    

Chapter 35

ZINNIA'S POV

"Bakit ka ba kasi naligo sa ulan, princess?" mahinahong sabi ni Jacob sa anak niya. Nagbaba lang ng tingin si Anja at niyakap ako mula sa tagiliran. Kakagising lang ni Anja ulit at agad na nagpalambing sa akin.

Nandito pa rin kami sa ospital. Kami lang tatlo ni Jacob at ni Anja ngayon sa kwarto dahil bumili sila Tita at Tito ng hapunan namin.

"Anja, your Daddy is talking to you," I said while stroking her hair.

Imbis na magsalita ito, mas isiniksik ni Anja ang katawan niya lalo sa akin. Kita ko ang takot sa mga mata nito habang nakatingin kay Jacob.

"Please tell Daddy, princess. Hindi ako magagalit sayo, sabihin mo lang kay Daddy kung bakit ka naglaro sa ulan." Tumingin ng matagal si Anja sa Daddy nito.

"K-Kasi gusto ko lang maligo sa ulan, Daddy."

Umawang ang bibig ni Jacob. "G-Gusto mo lang?" hindi makapaniwalang tanong nito. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Anja.

Naligo siya sa ulan dahil gusto niya lang daw.

Kung ibang bata siguro ang nagsabi sa sinabi ni Anja, makakatanggap sila siguro ng kurot o palo sa mga magulang nila sa klase ng pagsagot ng bata. Pero alam ko namang hindi iyon gagawin ni Jacob, hindi nito kayang saktan si Anja.

Sa loob ng halos isang buwan na magkakilala kami ni Jacob ay makikita kong maraming nagbago. Hindi lang sa buhay ko kundi sa sarili ko rin.

Ang pagbabagong nakita ko sa buhay ko simula nang makilala at naging mas malapit ako kay Jacob ay mas naging masaya ako. Masaya ako sa kanya, sa anak niyang si Anja, sina Tita at Tito, at ang mga kaibigan niya.

Hindi ko naman sinasabing hindi ako masaya sa piling ni Jerry pero parang may kulang, parang may hinahanap ako na may magpapasaya pa sa akin lalo. Siguro ang kulang na iyon sa akin ay ang oras sa akin ni Jerry. Palagi siyang nagtatrabaho kaya wala siyang oras palagi sa akin. Aabot ako sa puntong kailangan ko siyang kausapin para sa oras niya sa akin na hahantong sa pag-aaway naming dalawa.

May mga araw namang bumabawi siya sa akin pero sumisingit pa din ang trabaho nito. Minsan nga iniisip ko kung mahal niya ba ako dahil parang wala siyang pakialam sa akin. Palagi niyang inuuna ang trabaho niya kaysa sa akin.

Siguro ang oras talaga ang kulang. Siguro iyon talaga ang hinahanap ko.

Pero nang makilala ko si Jacob at ang mga pamilya niya ay mas naging masaya ako. Tinanggap nila ako na parang isang pamilya nila. Pumayag silang tumira ako ng sandali sa bahay nila para sa apo nilang si Anja.
Ipinaparamdam nila sa akin na parang nabibilang ako sa pamilya nila at tinuturing din nila akong parang isang anak nila.

Kahit hindi pa namin gaano kakilala ang isa't isa ay naging malapit na sila sa puso ko. Tinuturing ko na silang isang pamilya ko kahit hindi ko man sila kadugo at tinuturing ko narin silang isa sa mga espesyal sa buhay ko.

Ewan ko nga kung bakit ang dali-dali kong mapalapit sa pamilya nila. Parang unang kita ko pa lang sa kanila at unang pasok ko pa lang sa bahay nila ay naging komportable na agad ako. Parang wala dapat akong poproblemahin sa pagtanggap nila sa akin.

Ang pagbabago naman sa sarili ko ay mas naging madaldalin ako at dahil iyon kay Jacob. Palagi niya akong iniinis kaya wala akong magawa kundi inisin din siya pabalik. Tahimik kasi akong tao at hindi palasalita. Naging mas maingay lang ako ng medyo dahil kay Jacob.

"Ang lalim na naman ang iniisip mo, Zinnia." Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang sundutin ni Jacob ang noo ko gamit ng hintuturo niya.

Hinawakan ko ang noo ko at tsaka sinamaan ito ng tingin. "Bakit ba?" inis kong tanong sa kanya.

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon