CHAPTER 25

234 58 414
                                    

Chapter 25

JACOB'S POV

Nakasimangot ang mukha ko buong biyahe namin papunta sa Maynila. Matapos ang dalawang araw na pananatili namin sa Pampanga, hindi ko nakausap si Zinnia. May mga oras ng sinusubukan kong lumapit sa kanya ngunit nauunahan ako ng kaba. Kinakabahan ako dahil kung lalapit ako sa kanya at kausapin siya ay baka hindi niya ako kakausapin.

Pero sa huling araw ng pananatili namin sa Pampanga ay naglakas-loob na akong kausapin siya. Sinubukan kong hindi mag-isip tungkol sa kung anong mangyayari kapag nakausap ko siya ngunit hindi ito natuloy. Ang kaba na nararamdam ko ay napalitan ng sakit sa dibdib ko nang makitang magkasama sila ni Velasco sa tabing-dagat. Nakaupo silang dalawa sa buhangin, nakaakbay sa kanya si Velasco at nakapatong naman ang ulo ni Zinnia sa balikat niya.

Hindi ko alam na sa pagtanaw ko lang sa kanila saglit ay may tumulong isang butil na luha mula sa mata ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagsikip at pagkadurog ng puso ko habang tinatanaw silang nagtatawanan mula sa malayo. Nang hindi ko na kinayanan pa ang nakikita ko ay tumalikod na ako at naglakad papalayo.

"Hoy! May pinagdadaanan ka bang loko ka?" Napalingon ako kay Leo na nasa kabilang upuan ng sasakyan.

"Bunganga mo, tumahimik ka nga," saway ko. "Alam mo namang natutulog ang mga bata, ingay ka ng ingay diyan."

"Sasabihin ko lang sayo na ngayon lang ako nag-ingay."

"Ngayon ka nga lang nag-ingay, sinisigaw mo pa," sabi ko.

Ngumisi ito. "Baka kasi hindi mo marinig."

"Ano ako? Bingi? Sasabihin ko lang sayo na ang lapit-lapit natin sa isa't isa kaya hindi mo kailangang sumigaw."

"Can you two be quiet?" Napatahimik kami nang marinig ang boses ni Miesha.

Napalingon kami sa kanya at sinalubong kami ng masama niyang mga titig.

"Please, Tito Leo and Tito J? Kasi you two disturbed me sa tulog ko. Nakakainis."

"Takpan mo ang tainga mo para hindi ka mainis," pagpatol ni Leo sa bata kaya siya siniko ni Nally at sinamaan ng tingin.

"Papa! Oh!" sumbong nito kay Marcus na nagda-drive ngayon ng sasakyan. Wala si Manong Richard dahil pinatili ko pa ito doon ng isang araw at nag-iwan din ako ng pera para sa pamasahe pabalik niya. "Si Tito Leo!"

Lumingon sandali si Marcus sa anak bago ituon ulit ang mga mata sa kalsada. "I'm driving, Miesha. Parang awa mo na, huwag ka munang makulit."

Pinagkrus ni Miesha ang dalawang braso sa harap ng dibdib. "Sige Papa," sang-ayon nito sa ama. "Pero tandaan mong hindi ko pa nakakalimutan ang utang mo sa akin."

Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Marcus pero nanatili pa rin ang mga mata sa harap. "At kailan ako nagkautang sayo Miesha?" tanong nito. "Paano ako nagkautang sayo kung wala ka ngang hawak na pera?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Cessy na nasa tabi ni Miesha. "Kung sinabi bang utang pera agad?"

Nagkibit-balikat si Marcus. "Aba malay ko."

"Did you forget what Miesha wanted, Marcus?" she asked. "Gusto niya diba ng La Madeline au Truffe na chocolate na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin naibibigay sa kanya," pagpapaalala ni Cessy kay Marcus.

"Right, Mama! Tama."

Nakita ko ang paglunok ni Marcus. "U-Uh......Wala na kasing stock sa pinagbilhan ko."

"Meron 'yan!" sigaw ni Leo.

"Meron nga," tumatangong sabi ni Cessy. "By the way, you have to pay something, Marcus."

THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon